Jillian Ward, Kim Ji Soo kilig overload, pasabog na K-drama feels

Jillian Ward, Kim Ji Soo kilig overload, pasabog na K-drama feels

Kim Ji Soo at Jillian Ward

PAK na pak ang K-drama feels ng unang pagkikita ng mga karakter nina Jillian Ward at South Korean actor na si Kim Ji Soo sa top-rating afternoon drama ng GMA 7, ang “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Yes, totoong-totoo ang chismis! Trending at talagang inabangan ng mga Kapuso viewers ang paglantad ng oppa doctor sa APEX Medical Center na ginagampanan nga ni Ji Soo.

Baka Bet Mo: DongYan mala-Hollywood star sa GMA Gala; Kylie, David waging Best Dressed

Nitong nagdaang linggo, nag-meet na nga for the first time sina Doc Analyn (Jillian) at Dr. Kim Young (Ji Soo). Very K-Drama ang eksena with matching slow-mo pa na mas ikinakilig ng mga manonood.


In fairness, chemistry overload ang nasaksihan ng viewers all over the universe sa pagitan ng mga karakter nina Jillian at Kim Ji Soo.

Mabilis tuloy ang pag-ship sa kanila ng mga fans kaya naman tuwang-tuwa si Jillian at ang buong production sa mainit na pagtanggap ng mga manonood.

Chika ni Jillian, “Magaling siyang actor. Very professional. Para sa aming lahat, nakaka-excite kasi Korean actor siya tapos pumasok siya sa show namin. Kapag kinausap mo siya, funny rin siya at mabait.”

Baka Bet Mo: Dominic Ochoa sa mga kabataang artista, huwag magyabang: ‘Once pumasok sa ulo n’yo ‘yun, ‘yun ang kakain sa inyo nang buhay’

Reaksyon naman ni Kim Ji Soo, “She’s a good actress and a good person, she’s bright and very energetic.”

Excited na ang avid fans ng show na malaman kung ano ang magiging papel ni Dr. Kim Young sa buhay ni Doc Analyn. Siya na kaya ang destined oppa ni Doktora?

Patuloy na tutukan ang namamayagpag na seryeng “Abot-Kamay Na Pangarap,” 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Hindi lang celebrity players at home viewers ang panalo dahil pati ang studio audience, may chance na ring mag-uwi ng cash prize sa “Family Feud!”

Simula noong August 21, kasali na rin sa papremyo ang live studio audience. Pipili si Kapuso Primetime King at “Family Feud” host Dingdong Dantes ng isang player sa audience na huhula sa natitirang survey answers sa board. Kapag tama ang sagot, mag-uuwi ang audience member ng P5,000!


Bukod diyan, tuluy-tuloy rin ang pamimigay ng blessings sa home viewers sa pamamagitan ng “Guess to Win Promo.” At syempre, dapat ding abangan ang mga star-studded families na maglalaro araw-araw.

Talaga namang “AgosTodo sa saya, AgosTodo sa papremyo” kaya tutok lang sa “Family Feud”, Lunes hanggang Biyernes tuwing 5:40 p.m. sa GMA 7.

Read more...