SANIB-PWERSA ang TV5 at ang MLD Company ng South Korea para sa bagong reality talent show na “Be The NEXT: 99 Dreamers.”
Ito ang makabagong boy group survival show na magsisimula sa pagpasok pa lang ng 2025.
Kilala sa pagbuo ng mga sikat na grupo tulad ng HORI7ON at Lapillus, ang MLD Company ay naghahanap ngayon ng susunod na global pop sensation.
Bukas na ang auditions para sa “Be The Next: 99 Dreamers” na tatagal hanggang October 18, 2024.
Baka Bet Mo: James Ultimate Guest Mentor ng Popinoy’s final Pop 3 Pop Dreamers; Goals list ni Maine Mendoza, kumpleto na
Dito pipiliin ang 99 na aspiring male artists mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa inaasam na pwesto sa isang bagong global boy group.
Ang “Be The Next: 99 Dreamers” ay tumatanggap ng mga aplikanteng ipinanganak mula 2000 hanggang 2009, kabilang ang mga nakapag-debut na o may karanasan na sa TV.
Ang palabas na ito ay nagbibigay ng isang bihirang pagkakataon na pasikatin ang kanilang talento sa buong mundo.
“At TV5, we are committed to discovering the best new talents. Through our partnership with MLD Company, we’re confident that their K-Pop expertise will help shape the next generation of international pop superstars,” ayon kay TV5 President and CEO Guido R. Zaballero.
Sabi naman ni MLD CEO Lee Hyoung Jin, “We’re thrilled to partner with TV5, a trusted TV station in the Philippines. Together, we’ll harness the synergy of the K-POP training system and young global talents to create the next big pop phenomenon.”
Ipinakilala na kamakailan ang HORI7ON bilang ambassadors ng palabas.
Huwag palampasin ang pagkakataong matupad ang iyong pangarap sumikat sa “Be The NEXT: 99 Dreamers.”
Mag-apply na sa bethenext99.com at abangan ang mga kapana-panabik na surpresa, kabilang ang pag-anunsyo ng star-studded lineup ng mga hosts at mentors ng palabas.