2 baguhang Vivamax stars patalbugan sa hubaran sa ‘Private Tutor’

Mga bagong Vivamax stars patalbugan sa hubaran sa 'Private Tutor'

Zsara Laxamana at Christy Imperial

SA pagtatapos ng Agosto, may isa pang sexy movie mula sa Vivamax na magpapainit sa inyong pakiramdam ngayong nagsisimula na ang tag-ulan.

Ang tinutukoy namin ay ang latest Vivamax Original Movie na “Private Tutor” na isang erotic-drama tungkol sa isang struggling teacher.

Sa pagtakas niya sa mga problema ay may matutuklasan siyang bago sa kanyang pagkatao nang pasukin ang pagiging private tutor sa isang sexually curious na estudyante.

Baka Bet Mo: Erica Blake, Jericka Madrigal gaganap na mga batang sex worker sa horror-advocacy film na ‘Socmed Ghosts’

Kilalanin si Joy (Zsara Laxamana), isang public school teacher na doble kayod sa pagtatrabaho para masuportahan ang sarili at ang kanyang pamilya.


Kasintahan naman niya ang mekaniko na si Vigo (VJ Vera). Para mas magkaroon ng pagkakakitaan, nagpasya si Joy na magpart-time bilang private tutor at nagsign up sa isang tutoring app.

Maha-hire siya bilang tutor ng senior high student na si Erica (Christy Imperial).

Magsisimulang turuan ni Joy si Erica, at hindi inaasahan na magkakasundo ang dalawa at magiging malapit sa isa’t isa. Makikilala rin ni Joy ang tatay ni Erica na si Gordon (Mark Dionisio) isang mayaman at biyudong businessman.

Baka Bet Mo: Joy Belmonte humingi ng pasensya kay Ogie Diaz: Kung nagkamali ka, dapat ikaw ang unang umamin at mag-sorry

Sa pagpapatuloy ng kanilang private lessons, si Erica, na kilalang bukas sa pag-eexplore ng kanyang sexuality, ay hindi mapipigilan ang sarili na magustuhan at akitin ang kanyang tutor, na ikakailang naman ni Joy sa una.

Maging si Gordon ay magpapakita ng interes sa kanya, pero ito rin ay tatanggihan ni Joy.

Isang hindi pagkakaunawaan ang mangyayari sa pagitan nina Joy at Vigo, na magiging dahilan para magrebelde si Joy sa kasintahan at pumayag na pagbigyan ang pagnanasa ni Gordon sa kanya.


‘Di kalaunan, makikita na lang din ni Joy ang sarili na pumapayag at bumibigay sa pang-aakit ni Erica.

Ano pa kayang bagong madidiskubre at malalaman ni Joy tungkol sa sarili?
Mula sa direksyon ni Ryan Evangelista, mapapanood sa “Private Tutor” ang mga bagong bida ng Vivamax na sina Alessandra Cruz at Christy Imperial, kasama sina Mark Dionisio at VJ Vera.

Read more...