Justin, Hailey Bieber ipinakilala ang 1st baby: ‘Welcome home, Jack Blues!’

Justin, Hailey Bieber ipinakilala ang 1st baby: ‘Welcome home, Jack Blues!’

PHOTO: Instagram/@justinbieber

OFFICIAL parents na ang Hollywood celebrity couple na sina Justin Bieber at Hailey Baldwin makalipas ang mahigit limang taong kasal.

Sa Instagram, proud na ipinasilip ni Justin ang panganay nila ni Hailey na si “Jack Blues.”

Masayang pagbati pa ng first time dad sa caption, “Welcome home.”

Baka Bet Mo: Selena Gomez ‘to the rescue’ sa pambu-bully kay Hailey Bieber, nagkaayos na nga ba?

Sa comment section, maraming fans at celebrities ang tuwang-tuwa at nagpaabot ng “congratulatory” messages.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Congratulations!!! I’m sooooooooooo excited!!! love y’all down.”

“We are so happy, Congratulations Justin and Hailey, both of you will be a wonderful parents, God Bless forever your little Family. We love you and support you forever [holding back tears emoji].”

“We already love you little Jack!”

“Welcome to the world baby Jack! [yellow heart emoji]”

Kung maaalala, noong May 9 nang inanunsyo ng mag-asawa na magkaka-baby na sila.

Ito ay kasabay ng kanilang romantic renewal of vows kung saan makikita ang baby bump ni Hailey.

Taong 2018 nang kinumpirma nina Justin at Hailey ang kanilang pagpapakasal sa pamamagitan ng IG kung saan ibinahagi nila ang isang picture na makikitang magkahawak sila ng kamay at may caption na: “My wife is awesome.” 

Kasabay niyan ay pinalitan ng model ang kanyang username from “Baldwin” to “Bieber.”

Sa parehong taon na-engage ang Hollywood couple na nangyari sa Bahamas matapos ang isang buwang magdyowa.

Read more...