Dindo Balares sa chikang may BF ang bunso ni Kris Aquino: ‘Straight si Bimb!’

Dindo Balares sa chikang may BF ang bunso ni Kris Aquino: ‘Straight si Bimb!’

PHOTO: Instagram/@krisaquino

“STRAIGHT SI BIMB!”

‘Yan ang nilinaw ng close friend ni Kris Aquino na si Dindo Balares matapos kumalat sa social media ang chikang may boyfriend daw ang bunsong anak ng Queen of All Media.

Recently kasi naging usap-usapan ang viral article na ibinandera ng Facebook account na “Showbizfinds.”

Makikita roon ang featured image ng dalawang lalaki na naghahalikan sa beach at ang title ay, “KRIS Aquino, NAPAIYAK sa PAG-AMIN ni BIMBY tungkol sa BOYFRIEND nito!”

Obvious naman na fake news ang post, pero maraming netizens pa rin ang naniniwala.

Dahil diyan, pinabulaanan na ni Dindo ang pekeng balita at iginiit na hindi parte ng LGBTQ community si Bimby.

Baka Bet Mo: Bimby bato-bato ang katawan dahil sa workout: Want to see my abs?

“Pati mga kaibigan ko sa entertainment media, nagme-message at nagtatanong tuloy sa akin (kahit madaling araw) kung si Bimby raw ba talaga ang nasa photos sa lumabas na fake news,” caption niya sa Instagram post.

Dagdag niya, “Sa photos — na galing pala sa post na kuha sa engagement sa beach ng masayang gay couple — parang may hawig kasi kay Bimb ang isa dahil sa built ng katawan, eyeglasses, at pati gupit ng buhok. Kagamit-gamit para kumita sa social media. Pero hindi si Bimb ‘yan.”

“Imagine kung pati journalists nga nagdadalawang-isip at halos mapaniwala na ng fake news, e, ‘di lalo na ang publiko. Sa comment threads, as usual, andami nang homophobic condemnations, judgments, at mahahalay na sinasabi,” paliwanag pa niya.

Patuloy ng retired journalist, “Sa tagal ko sa entertainment beat, natuto ako sa mga katoto kung paano ‘umamoy’ ng closet queen.”

“So, ‘di maiiwasang may exams. May ituturo silang artista, especially young actors (newcomers), at pahuhulaan sa akin kung tunay na lalaki o bading. Mataas ang batting average ko, almost 100%,” chika pa niya.

Bandang huli, muling ipinunto ni Dindo na straight si Bimby at marami raw siyang nais ikwento tungkol sa anak ni Kris in the future.

“Straight si Bim. Sandali nga! Mabuti pa siguro siya muna ang ikuwento ko, patalastas sa series ng posts tungkol sa kanyang Mama Kris. Oo nga! Si Bimb na muna. Abangan!” aniya sa post.

Para sa kaalaman ng marami, si Dindo ay kilala sa pagbabalita tungkol sa ina ni Bimby na kasalukuyang nagpapagamot sa ibang bansa.

Kung matatandaan, dati nang nag-trending si Bimby matapos kumasa sa “boyfriend for a day” challenge kasama ang vlogger at anak ni Ogie Diaz na si Erin.

Read more...