Sandro Muhlach sa nilabas na CCTV: ‘I’ll never be the same again!’

Sandro Muhlach sa nilabas na CCTV: ‘I'll never be the same again!'

PHOTO: Instagram/@sandromuhlach

Trigger Warning: Mentions of rape, sexual abuse and harassment.

“HINDI ko pa po alam kung ano ang dapat kong gawin.”

‘Yan ang naging paliwanag ni Sandro Muhlach matapos ilabas at ipakita sa publiko ang ilang CCTV footage mula sa National Bureau of Investigations (NBI) kaugnay sa kasong sexual abuse at harassment ng aktor laban sa dalawang independent contractors ng Kapuso Network.

Sa exclusive interview ng “24 Oras,” inihayag ni Sandro ang kanyang reaksyon sa nasabing kuha sa CCTV.

Paliwanag niya, “‘Yan po ‘yung time na pumunta po ko sa kanila. After po lahat ‘nung nangyari, hindi po ako mapakali, hilong-hilo po ako, sobrang sakit po ng katawan ko kaya napaupo po ako sa floor.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko pa po alam kung ano ang dapat kong gawin, kung magsusumbong po ba ako sa pulis or kung lalapit po ba ako sa pamilya ko.”

Baka Bet Mo: Sandro namanhid nang ‘painumin’, ‘pasinghutin’: Hinila po ako sa bed

“Naunahan na po kasi ko ng hiya at takot kaya sinumbong ko po muna sa mga kaibigan ko,” chika pa niya.

Kasunod niyan ay nag-post din siya sa kanyang Instagram Stories at makikitang ibinandera niya ang screenshot mula sa CCTV footage na may pahayag ng isang NBI agent.

“Habang buhay ko dadahin ito,” caption ng binatang aktor.

Saad pa niya sa post, “Dalawa kayo at isa lang ako. I will never be the same again.”

“Some people can never comprehend how hard it is to be in this traumatic situation. Luring someone will never be a consent to abuse,” giit pa niya.

PHOTO: Instagram Story/@sandromuhlach

Recently lamang nang ipinakita sa publiko ang timeline ng mga nangyari noong July 21, ang petsa na naganap ang panghahalay umano kay Sandro.

Ipinakita mismo sa CCTV ang naging pagbabago sa kilos ng baguhang aktor bago at pagkatapos mangyari ang insidente.

Kinumpirma pa nga ng NBI na ito ang nagpapatunay na may nangyaring “traumatic event” kay Sandro.

Magugunita noong August 19, sina Jojo Nones at Richard Cruz ay inireklamo ni Sandro ng rape through sexual assault at acts of lasciviousness sa Department of Justice (DOJ).

Ang alleged sexual abuse ay iniimbestigahan din sa Senado bilang parte sa isinasagawang pagdinig kaugnay sa sexual abuse sa entertainment industry.

Read more...