Miss Universe 2024 kokoronahan na sa November 16 sa Mexico

Miss Universe 2024 kokoronahan na sa November 16 sa Mexico

PHOTO: Screengrab from Instagram/@missuniverse

FINALLY, Inanunsyo na ng Miss Universe Organization (MUO) ang petsa kung kailan kokoronahan ang bagong reyna!

Ayon sa isang Instagram post, mangyayari ang grand coronation sa November 17 (Manila time) sa Mexico.

Caption sa teaser video na ibinandera ng MUO, “History is about to be rewritten…The moment we’ve all been waiting for is just around the corner. Are you ready to witness the most unforgettable night of a lifetime?”

“Live from Mexico…The 73rd Miss Universe competition. This November 14th and 16th at [Arena CDMX] Stay tuned! [crown emoji]” wika pa.

Baka Bet Mo: Chelsea Manalo humugot ng inspirasyon kina Tyra Banks at Venus Raj

Ang preliminary competition at national costume ay naka-schedule ng November 15 (Manila time), habang ang final competition ay gaganapin na mismo sa coronation date.

Ang lahat ng ‘yan ay mangyayari sa Arena CDMX sa Mexico City, Mexico.

Magugunitang last year pa inanunsyo na sa nabanggit na bansa ang magiging host country para sa taong ito.

Para sa kaalaman ng marami, ito na ang ika-limang beses na gaganapin ang Miss Universe pageant sa Mexico matapos noong 1978, 1989, 1993, at 2007.

Nabanggit din sa video post na 130 contenders ang inaasahang maglalaban-laban sa nag-iisang korona.

Makukuha kaya ng ating pambato na si Chelsea Anne Manalo ang ikalimang korona ng Pilipinas?

Matatandaang sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018) ang mga Pinay na nagwagi sa nabanggit na international competition.

Last year, si Michelle Dee ay nagtapos sa Top 10 ng Miss Universe pageant at ang nanalo sa kauna-unahang pagkakataon ay ang kinatawan ng bansang Nicaragua na si Sheynnis Palacios.

Read more...