MATAPOS ipahayag ng ilang beses ang kahalagahan ng privacy at personal space, masayang ibinandera ng BINI member na si Aiah Arceta ang kanyang pamamasyal sa isang sikat na fast food chain sa BGC.
Sa X (dating Twitter), ni-repost ng BINI member ang isang video na makikitang komportable siyang nakikipag-picture sa fans.
Ang nakalagay pang text sa video: “This is the positive impact of the girls speaking up. Fans learn to show respect. Not the dumog culture.”
“Look how she gladly posed with the crew and the fans who nicely asked for pictures. It’s comforting to see her feel safe in a public space,” ani pa sa shinare niyang post.
Kahit mismo si Aiah ay napa-react sa video at caption niya riyan, “I just wanna acknowledge and commend everyone I have met yesterday!”
Baka Bet Mo: Xian Gaza sa BINI: Kung gusto n’yo ng privacy, huwag tumambay sa labas!
“I got to walk around BGC after a long time. My friend even said how it was very peaceful and nice of how others would approach me to talk or ask for a picture, all in a very respectful way,” patuloy niya.
Dagdag pa niya, “It was nice to meet and see you guys! Sana masarap ulam niyo palagi [heart sign emoji].”
I just wanna acknowledge and commend everyone I have met yesterday! I got to walk around BGC after a long time. My friend even said how it was very peaceful and nice of how others would approach me to talk or ask for a picture all in a very respectful way 🥰🥰 it was nice to… https://t.co/usDyIw1D9k
— Aiah Arceta (@bini_aiah) August 22, 2024
Magugunita noong Hulyo, nag-open up si Aiah tungkol sa naging bakasyon niya sa Cebu upang makapag-destress, mag-relax at mag-enjoy kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Ayon sa kanyang post noon, naging masaya siya sa bakasyon, pero may mga pagkakataon na na-i-invade ang kanyang privacy at personal space.
Dahil diyan, nakiusap siya sa fans na sana raw ay mabigyan din sila ng personal time at space.
Sana raw maintindihan na minsan lang sila magkaroon ng time kasama ang mga mahal sa buhay, lalo na’t sobrang busy ng kanilang schedule.
Samantala, ang documentary ng girl group na “BINI Chapter 1: Born to Win” ay mapapanood na sa September 26.
“This is the first chapter in a trilogy that celebrates the Nation’s Girl Group and how their sisterhood has guided their journey in the music scene,” kwento ng direktor na si Jet Leyco.
Aniya pa, “We’re excited to share the story of triumph and dreams and how the girls persevered through struggles.”