Justin, Hailey Bieber ‘parents’ na, nag-renew rin ng wedding vows

Justin Bieber, Hailey Baldwin ‘parents’ na, nag-renew rin ng wedding vows

Pauline del Rosario |May 10,2024
facebook
share this

Justin Bieber, Hailey Baldwin ‘parents’ na, nag-renew rin ng wedding vows

Pauline del Rosario - May 10, 2024 - 03:04 PM

Justin Bieber, Hailey Baldwin ‘parents’ na, nag-renew rin ng wedding vows

PHOTO: Instagram/@justinbieber

MAKALIPAS ang mahigit limang taong kasal, soon to be parents na ang Hollywood celebrity couple na sina Justin Bieber at Hailey Baldwin!

Ang good news, ibinandera mismo ni Justin sa isang Instagram post kasabay ng kanilang romantic renewal of vows.

Unang bumungad ang short video na kung saan naghahalikan ang mag-asawa at may bahagi rin ng clip na tila isinasagawa ang seremonya kasama ang isang pastor.

Kasama niyan ang ilang pictures na makikitang todo flex si Hailey sa kanyang baby bump habang nakasuot ng white lace dress, habang si Justin ay naka black jacket at casual pants.

Baka Bet Mo: Selena Gomez ‘to the rescue’ sa pambu-bully kay Hailey Bieber, nagkaayos na nga ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon sa The Associated Press, kinumpirma sa kanila ng kampo ng couple na anim na buwan nang buntis si Hailey.

Sinabi naman sa isang press release, ang vow renewal ceremony ng mag-asawa ay ginanap sa Hawaii.

Kung matatandaan, taong 2018 nang kinumpirma nina Justin at Hailey ang kanilang pagpapakasal sa pamamagitan ng IG kung saan ibinahagi nila ang isang picture na makikitang magkahawak sila ng kamay at may caption na: “My wife is awesome.” 

Kasabay niyan ay pinalitan ng model ang kanyang username from “Baldwin” to “Bieber.”

Sa parehong taon na-engage ang Hollywood couple na nangyari sa Bahamas matapos ang isang buwang magdyowa.

Maliban sa modeling, si Hailey ay founder ng skincare line na “Rhode.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Justin naman ay sumikat noong binata pa at nakilala sa hit songs na “Sorry,” “Love Yourself,” “What Do You Mean?” at “Despacito” featuring Luis Fonsi and Daddy Yankee. 

Ang huli niyang album na “Justice” ay inilabas noon pang 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending