Kathryn, Alden pinagkakaguluhan pa rin sa Canada

Kathryn, Alden pinagkakaguluhan pa rin sa Canada, Carlo Katigbak bumisita sa set

Reggee Bonoan - August 24, 2024 - 09:06 AM

Kathryn, Alden pinagkakaguluhan pa rin sa Canada, Carlo Katigbak bumisita sa set

PHOTO: Instagram/@rfj042

HINDI pa rin mapigilan ang mga kababayan natin sa Calgary, Canada sa pagpo-post sa kani-kanilang social media accounts kung ano ang latest sa set ng shooting nina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa upcoming film na “Hello, Love, Again.”

May mga kuhang video ang kababayan nating still photographer na naka-base sa Canada na si Al Gamilla na tila nasa park ang KathDen at napapaligiran ng maraming tao at may mga nagpa-picture sa dalawang bida ng nasabing pelikula na idinidirek ni Cathy Garcia-Sampana.

Nagba-browse kami ng mga kuha ng kababayan natin at napahinto kami dahil ang nagpapa-picture pala ay walang iba kundi ang Presidente at Chief Operating Officer ng ABS-CBN, si Ginoong Carlo Lopez Katigbak o CLK kung tawagin ng kanyang mga empleyado.

Baka Bet Mo: Bea na-shock nang muling makita ang dating boss sa ABS-CBN; may bagong ‘baby’ mula kay Dominic

Hindi naman kasi agad mapapansin na si ginoong Carlo ito dahil naka-jacket, denim pants at pair of white sneakers na tila naghintay pa kung pwede ng magpa-picture kina Kathryn at Alden.

Kathryn, Alden pinagkakaguluhan pa rin sa Canada, Carlo Katigbak bumisita sa set

PHOTO: Screengrab from Facebook Reels/Al Gamilla

Narinig namin ang boses ng aktres na nagsabing, “Oh my God dito pa lang nag-tweet na kayo.”

Wala nang kasunod na kuha si Al dahil puro shows na ng Sparkle ang kuha niya kasama si Alden.

Anyway, may nagsabi naman sa amin na maraming supporters ng KathDen ang mag-sponsors ng pelikula nila kapag ipinalabas na ito sa Canada.

Gayun din dito sa Pilipinas na ngayon palang ay pinaghahandaan na raw ang ilang grupo ng supporters nina Kathryn at Alden ang gagawing block screening.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending