Kim Molina na-shookt sa todo-effort ni Jerald: ‘He made the ring himself!’

Kim Molina na-shookt sa todo-effort ni Jerald: ‘He made the ring himself!’

PHOTO: Instagram/@gideonhermosa

TILA hindi pa natapos ang sorpresa ni Jerald Napoles nang alukin niya ng kasal si Kim Molina.

Sa latest Instagram post ni Kim, proud niyang ibinandera ang bonggang effort ng actor-comedian dahil ito mismo ang gumawa ng engagement ring.

Makikita pa nga ‘yung video ang proseso ng paggawa ni Jerald para mabuo ang singsing.

Inamin ni Kim na never niyang na-imagine na magiging madetalye ang kanyang partner sa pagpo-propose sa kanya.

“Days after he proposed, he made me watch this video of him making the ring himself. He told me that it was 2023 when these clips were taken, but due to some unexpected circumstances, lagi nauudlot ang proposal and he kept the ring from me in secret for more than a year and it was only this year 2024 when he finally got to pop the question,” kwento ng aktres sa video caption.

Baka Bet Mo: Kim Molina, Jerald Napoles hindi makapaniwalang inalok ng comedy series: Sure po ba kayo?

Chika pa niya, “After the proposal, I asked him if my parents knew about it from the beginning, then he made me watch this video call with my parents in Saudi, taken days after before the event.”

Dahil diyan ay lubos na nagpasalamat si Kim kay Jerald at sinabing nasasabik na siya sa bagong journey nila bilang married couple.

Sa comment section, makikitang nag-react sa post si Jerald at sinabing: “Nananabik na sa pag-iisang dibdib [red heart, ring emojis].”

Magugunita na noong August 11 nang mangyari ang marriage proposal ng komedyante sa aktres na ginanap sa PETA Theater.

Para sa kaalaman ng marami, ito ‘yung lugar kung saan sila unang nagkakilala bilang nagkatrabaho sila sa 2014 jukebox musical play na “Rak of Aegis.”

Samantala, una naman silang nagtambal sa pelikulang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” noong 2021.

At kasunod niyan ay naging mag-love team din sila sa drama film na “Ikaw at Ako at ang Ending,” at ang romantic-comedy film na “Girlfriend Na Pwede Na.”

Read more...