Shaira Diaz naka-graduate na sa kolehiyo: ‘MADE IT!!! Yahoo!’

Shaira Diaz naka-graduate na sa kolehiyo: ‘MADE IT!!! Yahoo!’

PHOTO: Instagram/@shairadiaz_

VERY proud at super happy ang aktres na si Shaira Diaz sa latest milestone niya sa buhay.

Nakapagtapos na kasi siya ng kolehiyo sa kursong marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

Sa Instagram, ibinandera ni Shaira ang ilang pictures niya sa graduation ceremony.

Bukod sa pamilya, present sa mahalagang event ang kanyang fiance na si EA Guzman.

“MADE IT!!! Thank you, @universityofperpetualhelp [red heart emoji] Thank you, family & friends! Thank You, Lord! [heart hands emoji],” caption niya.

Wika pa niya, “Yahoo! Done and dusted, folks!”

Baka Bet Mo: Elementong mabuhok galit na galit kay Shaira: Araw-araw umiiyak ako!

Sa pamamagitan naman ng IG Stories, makikita ang ilang mga kaganapan sa naganap na commencement exercise.

Isa na riyan ‘yung ni-repost niyang nakakakilig na short message ni EA para sa kanya.

“This is it! Congratulations, my love,” sey ng aktor.

Reply naman diyan ni Shaira, “Thank you, my baba! ILY!”

PHOTO: Instagram Stories/@shairadiaz_

Kung matatandaan, noong Pebrero lamang nang ibinunyag ng aktres na siya ay engaged na kay EA makalipas ang walong taong magdyowa.

Noong 2023 naman nang inamin ni Shaira na nais niyang pakasalan ang aktor kapag siya’y nakapagtapos na sa pag-aaral.

“Pagka-graduate po, siguro kahit isang taon na ipon muna, para lang ready kami parehas, hindi kami pupulutin sa kangkungan,” sey niya sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Aniya pa, “Para magawa namin yung dream wedding namin, gusto ko may ipon kami parehas, hindi lang siya, hindi lang ako.”

Read more...