Shaira, EA nagsimula nang maghanda para sa dream wedding

Shaira Diaz, EA Guzman nagsimula nang maghanda para sa dream wedding

Ervin Santiago - August 22, 2024 - 12:15 AM

Shaira Diaz, EA Guzman nagsimula nang maghanda para sa dream wedding

EA Guzman at Shaira Diaz

NAGSIMULA na ang paghahanda at preparasyon ng Kapuso couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz para sa kanilang dream wedding.

Kung ang pagbabasihan ay ang naging panayam namin kay EA ilang buwan na ngayon ang nakararaan, sa 2026 daw magaganap ang kasal nila ni Shaira.

Sa kanyang Instagram page, ibinandera ni Shaira na nagsimula na ang “journey to forever” nila ni EA dahil nag-start na nga ang preparation nila for their wedding day.

Baka Bet Mo: Shaira Diaz napilitan nga lang bang mag-YES sa proposal ni EA Guzman?

Ibinahagi ng aktres at host ng “Unang Hirit” sa nstagram ang black-and-white video nila ni EA kung saan makikita ang sweet moment nila together na kuha sa isang empty place.

Ang caption ni Shaira sa kanyang IG post ay, “And so the wedding preps have officially begun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman)


Ni-repost naman ng Kapuso actor-dancer ang IG reel ni Shaira sa kanyang Instagram page na may pamatay na message na, “Mahal na mahal kita.. ang saya saya ko, Baba.”

Nag-propose si EA kay Shaira noon pang December, 2021, pero in-announce lamang nila ito in public noong February, 2024 kasabay ng kanilang 11th anniversary as a couple.

Ayon sa binata, balak nilang magpakasal ni Shaira sa 2026. Mag-iipon pa raw kasi siya para maibigay ang dream wedding ng kanyang future wife.

Baka Bet Mo: Sino kina Shaira at EA ang dapat humawak ng pera kapag kasal na?

Kaya naman ang birong panawagan niya sa mga bossing ng GMA, sana raw ay magkaroon pa siya ng maraming projects para madali siyang makaipon.

Medyo bongga raw ang binabalak ni EA na kasalan para sa kanila ni Shaira, “Siyempre po para sa akin kasi, minsan lang siya mangyari, once in a lifetime, so gusto namin ni Shaira, ‘yung deserve namin na wedding.

“Hindi ko naman sinasabi na engrande or something. ‘Yung deserve lang namin, ‘yung gusto talaga namin, especially Shai, ‘yung dream wedding niya. So, gusto ko lang ding gawin ‘yun para sa kanya,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)


Ang gusto raw ni Shaira ay church wedding somewhere in Manila.

At dahil sa 2026 pa nga ang kasal, two years pa ang pagpa-practice nila ng “celibacy” (kasal muna bago sex). Kaya ang tanong kay EA, kaya pa ba niyang maghintay?

“Kung 11 years nga, natiis ko, ‘di ba? Bakit ‘yung ilang taon na lang na talagang magiging asawa ko na siya and alam mo ‘yun, magkakaroon ako ng sariling pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, ako lang talaga, ‘yung love ko kay Shaira and respect. ‘Yun lang talaga ‘yung reason kung bakit talaga ako…kung bakit ko natiis, ba’t ko nakayanan,” sabi pa ng Kapuso actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending