Ogie, Regine nag-file ng divorce ‘fake news’: ‘I-report po natin!’

Ogie, Regine nag-file ng divorce ‘fake news’: ‘I-report po natin!’

PHOTO: Instagram/@ogiealcasid

HUMIHINGI ng tulong sa madlang piol ang batikang singer na si Ogie Alcasid.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang article na sinasabing magdi-divorce na sila ng misis na si Regine Velasquez.

Ang nakalagay pang title nito: “Regine Velasquez pinaasikaso na Divorce Papers nila ni Ogie Alcasid matapos ang pagtataksil!”

Sa pamamagitan ng Threads, shinare mismo ito ni Ogie at nilinaw na hindi ito totoo.

Nanawagan pa siya sa publiko na kung maaari ay i-report ang nasabing pekeng post.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz hindi nagpaloko sa mga scammer na naniningil ng utang

“This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation,” caption niya.

Panawagan pa ng singer-songwriter, “I-report po natin ito.”

 

Post by @ogiealcasid
View on Threads

 

Sa comment section, maraming netizens ang nag-suggest na magsagawa ng legal action katulad ng ginawa ng batikang aktor na si Mon Confiado.

Kung maaalala, ginamit ng vlogger na si Ileiad ang pangalan ng aktor upang gumawa ng istorya at magkaroon ng maraming views.

Ang malala pa ay ginawa niyang isang masamang tao si Mon at pinagbintangan pang magnanakaw sa isang grocery store.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin mula sa mga hinaing ng netizens kaugnay sa post ni Ogie:

“Nakita ko rin yan sa YouTube, kaya dapat sampolan demanda ang mga gumagawa ng fake news tulad ng ginawa ni Mon Confiado.”

“Yes i-report mga iyan para mabigyan ng leksyon kasi hindi nakakatuwa.”

“That’s crazy po magawa lang sila ng content para sa madaming viewers even though its a lie…so sad po.”

“For me, i-Mon Confiado mo na ‘yan Kuya Ogs. NBI”

“Mga walang magawa kasi ‘yan kuya magkakalat ng fake news para kumita. Hindi naman kami maniniwala dun kuya tatawanan lang namin ‘yan hahahaha.”

Hindi ito ang unang beses na biktima ng fake news ang mag-asawa.

Kung matatandaan noong Marso lamang, may kumalat rin na pekeng balita na magkakaroon daw  ng concert sina Ogie at Regine sa Dubai.

Read more...