Vivamax hunk Chester Grecia never nanamantala kay Angeli Khang

Vivamax hunk Chester Grecia never nag-take advantage kay Angeli Khang

Chester Grecia at Angeli Khang

SUMUSUMPA ang Vivamax hunk na si Chester Grecia na hindi siya ang tinutukoy na aktor ni Angeli Khang na mapagsamantala sa mga sex scenes.

Ibinuking kasi ng Vivamax Queen sa panayam ni Toni Gonzaga para sa YouTube channel nito na may mga nakaeksena siya sa pelikula na nag-take advantage sa kanya.

Sumbong ni Angeli, kahit daw kasi nag-cut na ang kanilang direktor sa shooting ay itinutuloy pa rin ng kaeksena niya ang kanilang love scene.

Baka Bet Mo: Angeli Khang kabado pa ring magbuyangyang: Never naman naging madaling maghubad, it’s still not normal

Sa presscon ng bagong Vivamax Original Movie ni Chester na “Ang Kapitbahay” na idinirek ni Rodante Pajemna, Jr., kasama sina Christine Bermas at Clifford Pusing, natanong ang sexy actor tungkol dito.


Sey ng binata, nu’ng mabasa at mapanood niya ang interview ni Angeli ay gusto na raw sana niyang mag-post sa social media para sabihing, “Hindi ako yun, ha!”

Nagkasama sina Chester at Angeli sa pelikulang “Tayuan”, ang una raw niyang pelikula sa Vivamax at talaga raw napatanong siya sa sarili kung siya ba ang tinutukoy ni Angeli.

Pero para sa kanya, never siyang nag-take advantage kay Angeli at masasabi niyang nirespeto at pinrotektahan niya and dalaga sa maseselan nilang mga eksena.

Aminado naman ang aktor na tinablan siya talaga sa mga intimate scenes nila ni Angeli pero todo pigil siya sa sarili dahil iniisip nga niya ang mararamdaman ni Angeli.

Baka Bet Mo: Angeli Khang 1 week nagtago matapos madamay sa BeaDom breakup

Samantala, sa pagtatapos ng Agosto, abangan ang pinakabagong sexy movie mula sa Vivamax na mas magpapainit ngayong buwan kahit na nagsisimula na ang tag-ulan.

Panoorin ang isang binata na magkaroon ng kababaliwan at kakaakitan sa pagdating ng pinakabago niyang kapitbahay.

Yan ay ang pelikulang “Ang Kapitbahay”, streaming exclusively sa Vivamax ngayong August 23. Mula sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna Jr., bibida nga rito ang Vivamax stars na sina Christine Bermas, Clifford Pusing, at Chester Grecia


Iikot ang kuwento ng “Ang Kapitbahay” sa buhay ni Alex (Clifford Pusing), isang binatang mahuhulog sa ganda ng dalagang si Rose (Christine Bermas), ang bagong lipat na kapitbahay.

Sa pagtatagpo nilang dalawa, agad nilang ipaparating ang pagkakaakit at pagnanasa sa isa’t isa, at ipararanas ni Rose kay Alex ang una niyang sexual encounter.

Matapos ang ilang beses nilang pagkikita at pagnanakaw ng mga mapusok na sandali, malalaman ni Alex na si Rose pala ay may karelasyong sadista at mapanakit na General (Chester Grecia).

Dito na hihingan ng pabor ni Rose si Alex na tulungan siya nitong linlangin ang General at nakawan ng pera, pagkatapos ay tatakas sila at mamumuhay na magkasama.

Ikakatuwa at sasang-ayon naman si Alex sa plano at tutulungan nito si Rose na makalaya mula sa General.

Read more...