December Avenue may hinahanda na uling kanta para sa KathDen movie

December Avenue may hinahanda na uling kanta para sa KathDen movie

December Avenue

NAPAKALAKI ng naitulong nina Kathryn Bernardo at Alden Richards para mas makilala at mas dumami pa ang supporters ng bandang December Avenue.

In fairness, talagang pak na pak ang dalawang kanta ng grupo na ginamit na soundtrack sa blockbuster hit movie ng KathDen, ang “Hello, Love, Goodbye” under Star Cinema.

Ang tinutukoy namin ay ang “Kung Di Rin Lang Ikaw” at “Sa Ngalan ng Pag-ibig” na napakalaki rin ng naitulong sa paghataw sa takilya ng movie nina Kathryn at Alden. Bukod dito, lalo pang tumaas ang views ng music video ng dalawang kanta ng December Avenue.

Baka Bet Mo: Aljur ‘chill-chill’ lang matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie

Nakahamig na ng 170 million views ang “Kung Di Rin Lang Ikaw” habang 128 million views naman ang “Sa Ngalan ng Pag-ibig”.


Tinatapos na nina Alden at Kathryn ang sequel ng “HLG” sa Canada, ang “Hello, Love, Again” mula pa rin sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana kaya ang tanong, mga kanta pa rin kaya ng December Avenue ang gagamiting OST ng movie?

Sa presscon ng December Avenue para sa kanilang 15th anniversary concert titled “Sa Ilalim ng mga Bituin: December Avenue Concert” na gaganapin sa SM MOA Arena sa August 30, isa ito sa naitanong sa kanila.

“Given the chance, why not? Pero of course, very honored po to be part of the first movie.

“As much as possible, siyempre gusto namin talaga. Pero we haven’t heard from Direk Cathy pa, e,” ang pahayag ng bokalista at gitarista ng grupong si Zel Bautista.

Aniya, wala pa raw talaga silang ginawang kanta para sa reunion movie nina Kathryn at Alden dahil hindi pa sila kinakausap ng Star Cinema at ni Direk Cathy.

Ngunit meron na raw silang inihandang kanta para sa “HLA” at sana raw ay magustuhan ito ng Team Hello, Love, Again.

Baka Bet Mo: Roosevelt sa QC tatawagin nang FPJ Avenue, sey ni Susan Roces: Maraming salamat sa pagkilala sa aking kabiyak

“Para sa kanya talaga yung sinusulat niya. Mga experiences niya,” ani Zel sabay turo kay Jet Danao, ang drummer ng banda. Pero sabi ni Jet, “Hindi pa po yata puwede ”

Ang tinutukoy ni Zel ay ang kantang “Paraya” na feeling nila ay swak na theme song ng “Hello, Love, Again” na isang hugot song na ginawa ni Jet.

“Ano lang naman, personal experience din about letting go. Mas pinili mong maging masaya siya. Sa movie, hindi namin alam kung ano yung puwede, e. Malay niyo kung sakali. Baka matugma naman, e,” sambit ni Jet.

Pero masasaktan ba sila kung hindi mapili ang kanta nila bilang OST ng “HLA”?


“Hindi naman po. Kasi yung first time na ginamit na “Kung Di Rin Lang Ikaw” sa movie is actually a great opportunity for us and we’re very thankful.

“Of course, yung decision is nasa kanila naman po, e. If we’re be given the chance again, why not?

“If yung ibang artist naman ang mabigyan ng pagkakataon, then we’re happy for that,” sagot ni Zel.

In fairness, soldout na ang tickets sa concert ng December Avenue kaya nagbukas daw ng additional SRO tickets para sa mga nagre-request na fans.

Ang iba pang members ng December Avenue ay sina Jem Manuel, ang lead guitarist, Don Gregorio sa bass guitar, at Gelo Cruz sa keyboard.

Read more...