Heart sa bashers ng P11-M kuwintas ni Panda: Siya ang tagapagmana!

Heart sa bashers ng P11-M kuwintas ni Panda: Siya ang tagapagmana!

Heart Evangelista at Panda

RUMESBAK na ang international fashion icon na si Heart Evangelista sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa  pagpapasuot niya ng milyones na halaga ng necklace sa alagang aso.

Hindi na nakapagpigil ang Kapusi actress sa mga nangnenega sa kanya sa social media matapos nga niyang ibandera ang mga litrato ng kanyang pet dog na si Panda suot ang isang Serpenti Viper necklace mula sa luxury jewelry brand na Bulgari.

Ang naturang kuwintas ay nagkakahalaga lang naman ng P11 million!

Baka Bet Mo: Netizens gusto nang magpaampon kay Heart dahil kay Panda: ‘Payag na rin akong maging pet mo!’

Banat ng mga haters kay Heart, isang kabatusan at kawalang respeto raw sa nasabing luxury brand ang pagpapasuot niya ng kuwintas mula sa koleksyon ng kumpanya sa isang aspin na tulad ni Panda.


May nagkomento rin halata raw na patama niya ito kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na siya ngayong Philippine brand ambassador ng Bulgari.

Ikinumpara pa ng ilang netizens ang kuwintas ni Panda sa suot na Serpenti emerald and diamond necklace ni Pia sa kanyang Instagram post last June na may price tag daw na P14 million to P21 million.

Kaya naman sa Instagram Live ni Heart ay ipinagtanggol na niya ang sarili sa mga umeepal sa pagpapasuot niya ng mamahaling kuwintas kay Panda.

Baka Bet Mo: Heart naloka nang lumafang ng ‘pupu’ ng pusa si Panda: ‘Yuck! Girl ha, hindi nakakasosyal!’

“I own the necklace, you know. I can do whatever I want, then pull it out. Basically, Panda owns the necklace. So, hindi siya loan. So, she can do whatever she wants with it.”

“So, Panda is my most spoiled baby girl. So, I don’t understand why people are making it such ano… that I put diamonds on her,” katwiran pa ng wifey ni Senate President Chiz Escudero.


Hirit pa ng Kapuso star, “Actually, she’s the best person to put diamonds on. You know why? Because she’ll bite you if you go near her. So, hindi puwedeng manakaw.

“So, sometimes I do that also, I put diamonds on her and that’s fine because hindi siya puwedeng makuha kasi mananakawan kayo ng daliri.

“These are aspins or rescued dogs, they deserve the world…So, we’d like to alleviate their look, and, why not? I mean, siya naman ang totoong tagapagmana.

“Minana niya yon. So, she can do whatever she wants. I don’t understand what the deal is, like, di ba?” mariin pang pagtatanggol ni Heart sa alagang aspin.

Mapapanood din sa video ang pakikipagchikahan ni Heart kay Panda, “Bakit di puwedeng magsuot ng Fendi? Bakit hindi puwedeng magsuot ng diamonds?

“Ba’t mo pagbabawalan yan, e, di naman niya pinull out yon, pagmamay-ari naman niya yon, di ba, anak?

“Pan, di ba, di ba? Inaaway niyo siya. Bakit niyo inaaway si Panda? Oo naman, ‘no, royalty kaya yang si Panda,” hirit pa ni Heart.

Read more...