Trigger Warning: Mentions of sexual abuse, rape
HANGGANG ngayon ay galit na galit pa rin daw sa singer-actor na si Gerald Santos ang mga taong nakabangga niya noong nasa GMA 7 pa siya.
Ito’y dahil pa rin sa isinampa niyang reklamo laban sa isang musical director na nanggahasa umano sa kanya halos dalawang dekada na ngayon ang nakararaan.
Ang kilalang personalidad na tinutukoy ng binata ay naging bahagi ng dating singing search ng GMA 7 na “Pinoy Pop Superstar” kung saan siya itinanghal na grand champion.
Sa isang video na in-upload ni Gerald sa YouTube, matapang niyang ibinahagi ang ilang detalye sa ginawang panghahalay sa kanya noong 15 years old pa lamang daw siya. May pamagat itong “Aking mga rebelasyong may kasamang resibo! Pt.2.”
Baka Bet Mo: Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach
“Yung actual po na harassment na ginawa po sa akin happened on December 26, 2005. Ako po ay 15 years old lamang nu’ng panahon na yun.
“At wala po talaga akong lakas ng loob, wala po akong gulugod. I cannot defend myself through words dahil ako po talaga ay helpless at baguhan, at napakabata po.
“Hindi ko po ma-imagine na kung ako po ay magkakaanak, yung 15 years old kong anak, pagdadaanan po yung aking napagdaanan,” simulang pagbabahagi ni Gerald.
Ayon sa aktor at singer, nagkaroon siya ng lakas ng loob na muling lumantad at isapubliko ang nangyari sa kanya nang magsumbong si Sandro Muhlach sa kinauukulan matapos siyang halayin umano ng dalawang independent contractors ng GMA.
Pinanood daw talaga ni Gerald ang mga naganap na Senate hearing tungkol sa “Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment” sa pangunguna nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada.
Sa mga unang pagdinig, ang tatay lamang ni Sandro na si Niño Muhlach ang humarap sa mga senador. Naging emosyonal ang dating Child Wonder habang ibinabahagi ang kanyang sentimyento sa sinapit ni Sandro.
Sabi ni Gerald tungkol dito, “Ang puso ko po ay nadurog while listening to him. Dahil ramdam na ramdam mo yung sakit sa kanyang puso, yung sakit na kanyang nararamdaman dahil sa sinapit ng kanyang anak.
“Kahit naman po sinong magulang ay hindi talaga gugustuhin itong sinapit ni Sandro,” aniya pa.
Pagpapatuloy ng singer, sa halip daw na makakuha ng simpatya at proteksyon mula sa network na pinagtatrabahuan niya noon ay parang siya pa raw ang nadiin sa nangyari.
Baka Bet Mo: Gerald magpapayaman muna nang bonggang-bongga bago pakasalan si Julia: ‘Sigurista ako, e…praktikal lang’
Sabi ni Gerald, “It took four years for me to speak up about this issue, kasi nga po lumala na po nang lumala yung panggigipit po sa akin sa network.
“Nu’ng ako po ay continuous na nagre-refuse dito sa taong ito, ng kanya pong mga advances sa akin, ay palala po nang palala yung aking nagiging situation sa network.
“Unti-unti ay nararamdaman ko po talaga na ako po ay napapag-initan. At yung aking pong mga supposed to be na mga projects ay nahaharangan po, especially yung mga sa mga theme songs ng teleserye, dahil ultimately ako po ay singer.
“Kaya yun po, inabot po ng four years dahil nag-ipon po muna talaga ako at ang aking pamilya, ang aking buong team, ng lakas ng loob para makapagsalita,” rebelasyon pa ni Gerald.
“At nu’ng finally na ako po ay nakapagsalita na, I was ridiculed, I was labeled as homophobic.
“Actually, looking back, sobrang ginaslight po nila ako nung time na yun na binaliktad po nila ako na ako yung, parang, nandidiri raw ako sa mga bading, bakit ko daw ito sinusumbong. Dapat, mag-move on ako dahil yan daw ay kalakaran lang sa industriya.
“Pero looking back, I’m proud na isa po ako sa mga nag-stood up para magsabi po, kahit na it took me four years.
“Kaya ako po, ito, ipagpapatuloy ko ang pagsasalita about this para matigil na po ito, itong mga pang-aabuso sa mga baguhang artists,” sey ng singer.
Sinagot din niya ang mga kumukuwestiyon kung bakit ngayon lang siya lumantad sa publiko, “Ngayon po, may mga gusto lang akong sagutin na mga tanong ng ating mga kababayan. Mga ibang nagtatanong, lalung-lalo na dun sa mga nagsasabi na bakit ngayon lang ako nagsasalita, bakit lang ako ngayon lumabas.
“Actually, natutuwa po ako dahil karamihan naman po sa comment section ay alam po na hindi po ngayon lang ako lumabas, ngayon lang ako nagsalita.
“Year 2010 po nang ilabas ko itong issue na ito. At noong time po na yun, unfortunately, ay hindi po ako napakinggan. Hindi po ito naging national issue, like right now na nangyayari.
“And to be exact po ay February 8, 2010 nu’ng amin pong idinulog ito sa management ng GMA.
“Nag-file po kami ng case dito po sa taong ito na gumawa po ng hindi maganda sa akin.
“Ako po ay 15 years old lamang po nu’ng time na ito. Wala po talaga kaming alam about sa mga legal stuff, sa mga legal na mga bagay-bagay.
“At kahit po galit na galit po ang aking buong pamilya ay talaga po kami ay napilitang manahimik dahil noong panahon po na yun ay talagang may stigma po kapag nag-report ka ng mga ganitong klaseng case,” pagbabahagi pa ni Gerald.
“Nu’ng dinulog po namin ito sa itaas, sa pinakamataas na management ng GMA, according to them they will conduct an investigation about the issue.
“And while still investigating, maybe for just two to three months, ako po ay ni-release ng GMA.
“At wala pong ibinigay po sa aming concrete resolution or clear resolution about the case na amin pong pinayl sa kanila.
“And even after one year, mayroon po kaming sinend na letter sa kanila. And na-receive po nila yung aming letter na nag-ask kami na ano pong nangyari dun sa case na aming pinayl dito sa taong ito. Wala pong ganun na pinarating po sa amin.
“And after one year po yun, nu’ng nag-file kami, so wala rin po silang naging sagot sa amin. Hindi na po nila pinansin yung aming letter.
“Kaya wala po talagang concrete na resolution or mga safeguards na ginawa sila right after this while they were investigating,” patuloy pang rebelasyon ng binata.
Mula raw noong magreklamo siya ay na-feel niya na nag-iba na ang pakikitungo sa kanya ng ilang mga katrabaho sa GMA, “Ang atmosphere po talaga sa akin ng mga staff ng GMA at ng mga, particularly ng entertainment department, galit po talaga sa akin sila dahil sa issue na ito.
“May mga nabanggit po ako mga pangalan du’n, na nabangga ko sila. Kapag binangga mo si ganitong executive, yung mga tao niya, galit na rin sa yo. Ganu’n po yung nangyari po sa akin. At ako po talaga ay na-pin down, napag-initan po ako dun sa loob,” dagdag niya.
“Nu’ng ni-report nga po pala namin ito sa kaitaas-taasan po ng GMA, ay naka-meeting po namin ang mga may-ari ng GMA at that time.
“And to quote yung isa po sa mga may-ari ng GMA, siya po mismo nagsabi noon na, ‘O, winner ka pala dito sa singing competition namin. So, kung sisikat ka, dapat dito sa GMA. Dapat dito sa network natin ka sumikat.’
“May ganu’n pong word ito pong isa po sa mga may-ari ng GMA nung naka-meeting po namin sila. Kaya that was words of encouragement sa amin, sa akin lalu-lalo na.
“So, nagtaka po kami dahil, after po noon, dahil na-file na namin ito, yung aming reklamo, and siyempre may mga nabanggit po kami mga tao na iba pang somehow involved sa kaso ko, ay iba na po yung atmosphere sa akin ng mga staff and ng mga tao dito sa GMA, especially sa entertainment department.
“And sabi ko nga po, parang ako po ay banned. May mga nagsasabi na nakapag-guest naman daw ako sa GMA.
“Actually from 2010 to 2024, maybe ang aking naging guesting lamang po sa GMA ay nasa apat or lima.
“And dahil po yan sa news department. Nakakapag-guest po ako sa news department or sa mga game shows, hindi po sa entertainment department.
“Dahil diyan po sa entertainment department, diyan po yung may mga nabangga po ako.
“And hanggang ngayon, sabi ko nga po sa previous video ko, hanggang ngayon po, galit na galit po sa akin na talagang gumaganti pa rin, kahit na after 14 years ay hindi pa rin ako mapatawad,” pag-amin pa ni Gerald.
Sa isa pang bahagi ng vlog ni Gerald, nabanggit din niya ang pangalan ng yumaong movie at TV icon na si German “Kuya Germs” Moreno. But that’s another story to tell.