SA pagpapatuloy ng panayam ni Morly Alinio sa YouTube channel nitong “Ito ang Tondo” kay Snooky Serna ay inamin nitong nag-self-destruct siya.
“Nagpa-tattoo ako, ang daming tattoo sa likod ko, I’m not against self-expression walang basagan ng trip. Kung gusto mong magpa-tattoo for the right reasons do it it’s not like you murdered someone no!” diretsong pahayag ng aktres.
“If you’re going to a tattoo artist para sa iyo maganda ‘yun, it’s a form of art. I’m not saying magrebelde kayo sa mga magulang ninyo at pag sinabing ‘wag ninyong gawin, gawin n’yo pa rin no! I’m not saying that.
Baka Bet Mo: Snooky Serna muntik nang layasan ang showbiz dahil sa bashers: Hindi ako palaban lalo na noon
“But with the permission of the parents kung mga bata (pa) kayo then ako as a parent, pinayagan ko ‘yung mga anak kong magpa-tattoo but very, very miniscule, very respectable,” paliwanag mabuti ni Snooky.
Ibang-iba raw ang ipinalagay na tattoo nina Sam at Sachi kung ikukumpara sa nanay nila.
“’Yung tattoo ko kasi pag titingnan mo parang sumali ng Sigue-Sigue (Sputnik). Ha-hahaha!” kuwento ng aktres.
Komento ni Morly, “Alam mo Snooky 80’s ka talaga kasi Sigue-Digue, Oxo?”
“I’m sorry! Ha-hahaha! Buti na lang hindi ko sinabing Low Waist Gang ay 60’s ‘yun. ‘Yun na nga Tito Morly ang mga tattoo ko talaga ay sumisigaw, e.
“Siguro it’s form of self-mutilation na sinaktan ko ang sarili ko because I was guilty of something na hindi ko na maayos.
Baka Bet Mo: Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’
“And no matter how I knew alam ko namang intelihente ako and baka nga ginusto kong ma-feel ‘yung pain na ‘yun to make up for the pain that I cost my children,” katwiran ng aktres.
At nasa huli ang pagsisisi dahil gusto na raw ni Kooky na ipa-laser ang tattoo niya pero masakit daw kaya hindi na niya ginawa kaya kapag may mga ganap siyang pormal ay hirap na hirap siya paano takpan ang mga ito.
Mabuti na lang daw at magaling ang kanyang stylist dahil alam nito kung anong damit ang ipasusuot sa kanya na hindi kita ang mga tattoo.
“May dalawa lang akong hindi pinagsisisihan, ‘yung picture ng mom and dad ko, Tito Morly,” say ni Snooky.
Abangan ang part 3 kung ano naman ang reaksyon ni Snooky sa pagkakakulong ngayon ng ex-husband niyang si Ricado Cepeda.