John Lloyd sa baliw na baliw kay Ellen; nakakadiri na ang image
MUKHANG nakita na ni John Lloyd Cruz ang babaeng gusto niyang makasama sa kanyang buhay sa katauhan ni Ellen Adarna, they have so many common interests kasi.
Huwag na nating isa-isahin dahil obvious na naman, di ba? Some of them are drinking, partying, arts, etcetera. Kaya despite all the controversies being hurled at him nowadays ay deadma lang si John Lloyd.
In fact, kung anik-anik pa ang pinaggagawa na hindi natin inakalang magagawa niya.
Who would ever think that a respectable actor like John Lloyd would post his own shit sa social media?
Yes, sabi nila (wala naman kasi akong Instagram or Twitter) ay nag-post si Lloydie ng kanyang ebs sa IG. Kaloka, di ba? Super yuckkkkk talaga! Hindi naman kailangang maging malinis ka para mandiri sa post na iyon. I saw it finally sa isang entertainment column at nasuka-suka talaga ako. Kung sarili nga lang nating jebs ay nandidiri tayo minsan, di ba? Kaya agad nating pina-flush sa toilet?
Kaya nakakawalang-gana na talaga si Lloydie. Iba na siya mula nang magkasama sila ni Ellen.
Someone whispered to me na dapat pakasalan na lang ni John Lloyd si Ellen para tuluyan na nilang ma-enjoy ang mundong ito nang sila-sila lang. Yung wala nang nakikialam sa kanila. Tutal mukhang sila na nga ang itinadhana para magsama for long, di ba? The more na nabubuwisit kasi ang mga tao sa pinaggagawa nila ni Ellen ay the more naman nilang ginagawa kaya much better na deadmahin na rin natin sila and let them live there lives happily – ever after? Ha! Ha! Ha! Malay ko kung hanggang saan magtatagal ang ganitong uri ng relasyon.
Nag-self-destruct na talaga si John Lloyd. Ang status niya for us now ay bahala na si Batman. Kung type niyo siyang kunin for your projects, you take your risks kasi sa ngayon, ang laki ng ibinaba ng kanyang popularity. Even his mother network may find it very difficult para maibalik ang dating imahe ni John Lloyd Cruz. He seems to have gone beyond the worst. Let’s see, baka may solusyon pa. How? Maybe he needs some professional advice – that’s how I see it ha.
It’s not bad to see a psychiatrist for some help, professional help lang dahil baka effect ito ng sobrang pag-inom or what. Or baka ganoon lang talaga kalalim ang character niya. Seeing a psychiatrist naman doesn’t mean na nababaliw ka na. Kailangan lang ng konting alignment kumbaga.
Sayang kasi kung di maagapan dahil Lloydie is such a gem in the industry. He is so well-loved before all these mess came about. Kaloka!
q q q
Sariling jebs, ipo-post? That’s overboard, if I may say. Hindi ko talaga ma-imagine ang pinaggagawa ni John Lloyd lately. And posting that work of art ng isang American visual artist – yung may 12 crucufix na may picture sa gitna, ay hindi talaga tanggap ng normal na indibidwal.
No, it’s not Lloydie’s work – he just posted it. Hindi lang niya nalagyan ng caption that it was someone else’s work kaya nagalit ang taumbayan sa kanya. Very disrespectful daw of our religion. Pero kahit hindi pa niya gawa iyon, the fact na pinost niya, sends us a message. That he must be into that form of disillusion. He may have reasons for showing such – only his.
Baka marami siyang disappointments and disagreements with the common norm natin sa society and he best expresses his feelings that way. Kanya-kanya lang namang trip iyan eh, lalo pag nakatoma ka o nakatira ng droga. I am not saying that John Lloyd is into drugs pero manifestations ito ng taong high on something.
No offense meant sa iyo, Lloydie ha, you know naman how much I respect and love you as a colleague in this industry pero honestly, nanghihinayang ako sa iyo. You still have a long, long way to go. I am not judging you nor decide for you, who am I anyway? I am just a fan looking from the outside. Kokonti lang kasi ang nabibiyayaan ng ganitong gifts tapos mauuwi lang sa wala.
Huwag naman sana, it’s not too late anyway. We will continue to pray na sana maibalik ang dating katikasan ng isang John Lloyd na minahal nating lahat.
Anyway, kung may mga ginagawang projects ngayon si John Lloyd, sana’y huwag maapektuhan ang mga ito ngayong tila baliw na baliw siya kay Ellen. Huwag naman natin siyang i-condemn.
Iba ang pagiging artista niya at iba naman ang pagiging star niya sa ating mga fans niya. For sure, maitatawid ni Lloydie nang maayos ang mga commitments niya. After all, he’s truly a very good actor.
Sana lang di maapektuhan ang bankabilility niya.
Nasa league na siya ni Christopher de Leon, Phillip Salvador, Albert Martinez and others, as an actor. Tapos na siya sa mga goodie-goodie image, ‘no! Kaya no doubt that he will still click. Good luck!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.