NAGSALITA na ang isa sa mga co-host ni Willie Revillame na si Cindy Miranda tungkol sa chikang matsutsugi na ang programa nilang “Wil To Win” sa TV5.
Mariing pinabulaanan ng aktres at dating beauty queen ang balitang hanggang December na lang daw ang bagong show ni Willie sa Kapatid Network.
Nakachikahan ng BANDERA at ilan pang piling miyembro ng showbiz press si Cindy sa presscon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “40” opposite Kiko Estrada.
Baka Bet Mo: Cindy Miranda umaming nadadala sa mga ginagawang sex scene sa pelikula: Wala pa akong mabahong nakaeksena, ever!
Isang maliwanag na fake news daw ang chikang mawawala na sa ere ang “Wil To Win”, “Napakarami pong posts na ganyan. Pero siyempre, ‘di po totoo ‘yan.
“Kasi ano po, eh, siyempre mahirap po ngayon, ‘di ba? Lalo na nanggaling kami, actually ‘yung timeslot po namin na 4:30 to 6:30 p.m. po, nanggaling po ‘yan sa zero,” simulang paliwanag ni Cindy.
Patuloy pa niya, “Ang hirap po talaga umangat, ‘di ba? And we’re new, kaka-one monthsary pa lang po namin ng ‘Wil to Win’ and everyone is like, actually, ako lang po ang may experience sa lahat ng kasama ko na hosts.
“Kasi 12 years ago, nag-host na po ako, lahat po bago. And even Kuya Wil, medyo matagal din pong nawala, lahat po nag-a-adjust, ‘di ba?
“And I think, sabi ko nga, on social media, we’re the no. 1 po sa timeslot na ‘yan or kahit hindi sa timeslot na ‘yan. But on TV, of course, we know na ang hirap po talaga nu’ng mga kalaban namin, ‘Family Feud’ o kung ano pang iba.
Baka Bet Mo: Cindy Miranda may pakiusap sa bashers ni Xian: Wag idamay yung movie!
“Pero we’re doing good. At hindi po mawawala ‘yung show, whatever, in two weeks, in two months. ‘Yan po ang pinapangako ko po sa inyo,” esplika ng aktres.
“And magpo-promote po kami diyan ni Kiko, abangan niyo po. Ha-hahaha!” sey pa ni Cindy na ang tinutukoy nga ay ang pelikula nilang “40.”
Nauna nang dinenay ng MediaQuest (producer ng programa) ang nasabing balita, “Contrary to malicious and false reports, MQuest Ventures and Mr. Willie Revillame’s long-term partnership remains steadfast, committed to spreading happiness and creating winning moments for Filipinos.
“MediaQuest is thrilled to celebrate the first month of ‘Wil To Win’ with Mr. Willie Revillame through WinQuest Productions, and we extend our gratitude to our advertisers and the Kapatid community across the country and the world,” sabi sa official statement.
Samantala, showing na sa mga sinehan simula sa September 4 ang “40” mula sa direksyon ni Dado Lumibao under Viva Films.
Kasama rin sa cast sina Irma Adlawan, Ruby Ruiz, Ronnie Lazaro, Yayo Aguila, Phoebe Walker, JC Tiuseco, Karla Alejo, Erlinda Villalobos at Lawrence Dela Cruz, with the special participation of Diego Loyzaga.