Robin, Mariel binoldyak dahil sa halikan photo: Grabe, ang lala!

Robin, Mariel binoldyak dahil sa halikan photo: Grabe, ang lala!

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

KAHIT nag-sorry at nagpaliwanag na, patuloy na binebengga ng mga netizens ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Masasakit at tumatagos ang mga banat ng mga social media users matapos ang kotrobersyal nilang mga pahayag hinggil  sa nag-viral na Senate hearing kung saan tinalakay ang isyu sa marital rape at sexual rights.

Tinawag nilang “insensitive” ang mga pinagsasabi ni Sen. Robin pati na ang Facebook post ni Mariel kung saan makikitang naghahalikan sila ng kanyang asawa na may caption na, “Oh may consent ‘yan ah (kiss emojis).”

Baka Bet Mo: Kita ni Mariel sa ‘Cooking Ina’ meat business ginagastos sa kampanya ni Robin

Sinagot ito ni Robin ng, “Hello babe, I’m in heat (fire emojis).” Hirit naman ni Mariel sa asawa, “It’s a tie. I’m feeling hot hot hot.”

Hindi ito nagustuhan ng maraming netizens at binoldyak ang mag-asawa kahit pa nag-explain na ang aktor at senador.


“Wala akong sinabi na ok na pilitin ang asawang babae sa pagtatalik. San po ba don sa pagdinig?

“Pangalawa: Ang sabi ko Paano kaming mga lalaki na naniniwala sa sexual rights kapag kami ay in heat. Not drunk.

“Not violent. Not under influence of any drugs or liquor.

“Plain love and lust.

“Pangatlo. Bakit po namin nasabi na sexual rights. Ito po yun. Lumaki po ako sa biblia. Malinaw po don na ang babae ang nagpapasakop sa lalaki

Baka Bet Mo: Robin umatras sa pagtakbong governor: Hindi ko po kaya ang P150-M na gastos sa kampanya

“Paul’s teaching on sex within marriage is extraordinary. He says that husband and wife should give one another their conjugal rights (1 Cor. 7:3). Each has a right to enjoy sex and each has an obligation to help the other enjoy sex as well.

“Both spouses should receive joy and pleasure in a healthy sexual relationship. Husbands and wives should view the marriage bed in such a way that each spouse both gives and receives in the sexual union.

“Sa isang muslim. In Islam, the husband should have intercourse with his wife according to what satisfies her, so long as that does not harm him physically or keep him from earning a living,” ang post pa ni Sen. Robin.

Patuloy pa niya, “Kayo po ay mambabatas din at palagay ko naman batid niyo ang ibig sabihin ng pagdinig / hearing. Makikinig sa mga resource speaker.

“Paano ako Makikinig kung hindi ako magtatanong.


“Paano sila magsasalita o magiging speaker kung ako ang magpapaliwanag.”

“Bakit pa ako Kumuha ng resource speaker at nagtatanong po ako bilang ang guest ko ay lawyer hindi pastor o imam.

“Siya ang makakasagot sa tanong ko kung Ano ang sinasabi ng batas ng tao sa marital obligation.

“Hindi nga rape ang punto ko. Ang punto ay kung Ano ang puedeng gawin ng asawang lalaki para maging legal ang paghingi ng sex ng isang lalaki at hindi maging rape. Wala akong sinabi na ok ang pilitin ang babae,” litanya pa ni Robin.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizen sa isyung kinasasangkutan ng celebrity couple.

“Pakapon na ‘to pareho para ‘di na madagdagan lahi.”

“Robin gayahin mo na lang si lito lapid tahimik lang sa senado kaya hindi sya binabatikos. Huwag ka ng umepal sa senado dahil lalo mo lang pinakikita na wala kang alam talaga.”

“Imagine ganitong klasing mambabatas meron tayo at number one pa sumasalamin lang ito gaano kababa ang level ng pag iisip meron ang mga botante ng Pinas.”

“My God. Ode kung kayo pareho kayong laging nasa mood at in heat, kayo yon. Hindi lahat ng mag-asawa ganon. Grabe ginawang katawa-tawa yung nararanasang abuse ng iba.”

“Very disrespectful to all the victims of marital rape and sexual abuse within the confinement of one’s home. Disgusting. Well, what do we expect from these moronic enablers? Kawawang Pilipinas.”

“It’s a tie! Parehong bobo. Magpa counselling kayong dalawa, malala na yung pagiisip at ginagawa nyo pareho.”

“Robin kung pwede magresign ka nalang as senator. hindi ka bagay dyan kasi kulang na kulang ang kaalaman mo sa batas. mag aral ka muna ng maayos ng mga batas upang may panlaban ka.”

Read more...