Robin nanindigan sa isyu ng marital rape, sexual rights: Hypothetical lang

Robin nanindigan sa isyu ng marital rape, sexual rights: Hypothetical lang

Trigger Warning: Mentions of marital rape

HUMINGI muli ng paumanhin si Sen. Robin Padilla sa mga na-offend sa pinagtatanong niya sa naganap na Senate hearing noong Huwebes, August 15.

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng aktor at public servant patungkol sa issue ng sexual harassment na dinidinig sa Senate Committee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan.

Naging kontrobersyal ang ilang tanong ng senador sa naturang hearing tungkol sa pagtatalik ng mga mag-asawa. Aniya, anu-ano raw ang saklaw ng batas sakaling ayaw ni misis na makipag-sex.

At kung ano naman daw ang dapat gawin ni mister kung nag-iinit na ito at hindi na mapigilan ang sarili? Paano raw ang “sexual rights” ng mga lalaki.

Paliwanag ni Robin sa naganap na pagdinig sa Senado kanina, “hypothetical” lamang ang kanyang pagtatanong upang magkaroon ng mas malawak na diskusyon sa isyu.

Baka Bet Mo: Robin Padilla nangako kay Sandro Muhlach: We will protect your rights

“Ako po ay humihingi ng paumanhin at ng inyong mabuting pasensya. Ang aking mga katanungan po ay hypothetical base sa sentimyento at realidad ng mga pangkaraniwang Pilipino,” paliwanag niya.

Dugtong ng asawa ni Mariel Padilla, “Ang linya po ng aking pagtatanong ay upang magkaroon ng diskusyon at pagbibigay-linaw. Ang pinanggagalingan ko po ay upang gabayan ang karamihan ukol sa isyu ng marital rape.”

Sa naganap na pagdinig nitong nagdaang Linggo tinanong nga ni Robin ang resource person na si Atty. Lorna Kapunan ng, “Halimbawa po, Atty., siyempre, hindi mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniwala, lalo kami, ako, meron kang sexual rights sa asawa mo, e.

“So, halimbawa hindi mo naman pinipili, e, kung kailan ka yung in heat, ano? So, paano yun, pag ayaw ng asawa mo? So, wala kang ibang paraan talaga, para maano yung lalaki?

“So, paano? Mambabae ka na lang ba? E, di kaso na naman yun. Ano ang puwede mong sabihin sa asawa mo na wala sa batas? Paano naman ako? Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?

“Paano ako? Na puwede niyang gawin na nasa batas na wala naman siyang…wala kaming choice bigla, ganun na lang, matulog ka na lang? Ganu’n?”

Sagot ni Atty. Kapunan, isa na itong isyu ng psychosocial at hindi na usapin ng batas. Reaksyon ni Robin, “Ganu’n na lang? Will you help me na lang? Ganu’n na lang? Mahirap po kasi sa Tagalog, baka bastos ang dating.

“Matulungan mo ba ako o paano kaya? Ano yung puwedeng gawin ng babae? Talagang ‘no’ talaga, bahala ka diyan sa buhay mo, ganu’n?” sabi ng senador.

Paliwanag ni Atty. Kapunan, “Kung minsan kasi, yung ‘no’ naman ng babae, hindi naman ano, hindi naman arbitrary.

“For instance, puwede ka…kagaya ng, well, yung instance na lasing yung asawa or under the influence of drugs at gustong makipag-sex with the wife, ano. Siyempre under that circumstance, nagiging violent. Hindi out of love,” aniya.

Giit ni Robin, paano raw kung wala namang violence at hindi rin lasing, kundi dahil nag-iinit lang daw talaga ang lalaki.

“Siguro naman, sasang-ayon naman sa akin ang taumbayan na may iba talagang urge ang mga lalaki talaga. May urge na talagang andun, e. So, paano yun? Andiyan yung asawa mo to serve you, ayaw niya?

“Anong puwedeng ano para hindi ako mareklamo ng asawa ko? Ano ang puwede kong sabihin sa kanya na, ‘Mahal o Babe, ano ba? Please help me,'” sabi ni Robin.

Sagot ni Atty. Kapunan, “Counselling po ang kailangan diyan o magdasal na lang kayo. Iko-correct ko lang…manood na lang kayo ng Netflix o ng Koreanovela.

“That’s important yung issue ng mutual respect. If your spouse refuses, whether valid or hindi, respetuhin natin yung decision ng wife or nung husband in that case.

“The other thing po is yung statement ng Chair, with all due respect, hindi po obligasyon ng isang wife, sabi mo is to serve the husband,” aniya pa.

Read more...