2 bata nawawala matapos matagpuang patay ang ina sa bahay ng ex-partner

2 bata nawawala matapos matagpuang patay ang ina sa bahay ng ex-partner

PHOTO: Facebook/Dawn Bee

MISSING at kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad ang dalawang Filipino-American toddlers sa California.

Ito ay matapos matagpuang patay ang kanilang Pinay na ina sa bahay ng ex-partner nito na si Camron Lee.

Ang dalawang bata ay sina Mateo Lee (2 years old) at Athena Lee (4 years old), habang ang kanilang nanay ay kinilalang si Angelica Bravo (28 years old).

Ayon sa pamilya, bibigyan ng reward money na halagang $10,000 o mahigit kalahating milyon ang sinumang makakapagturo kung nasaan ang dalawang bata.

Noong nakaraang buwan pa nang mangyari ang insidente sa bahay ni Camron na nasa North Sacramento at hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin ito.

Baka Bet Mo: Bimby ibinalitang patuloy na bumubuti ang kundisyon ng inang si Kris: ‘She’s stable and of course still beautiful!’

Habang hinihintay ang autopsy result ni Angelica, nanawagan ang lola ng dalawang bata na si Dawn Bodea.

“I know there’s someone out there that knows where they are. I just need them to tell us,” sey niya sa Fox40.

Aniya pa ng ina ni Angelica, “I just want them to come home. I want them to be safe and to know that they’re loved. We need them back here.”

Kamakailan ang, nakita ng mga pulisya ang kotse ni Camron na tila inabandona sa Ensenada, Mexico.

Paniniwala ng mga pulis, ang mga bata ay iniwan sa may Southern California kung saan may mga koneksyon ang partner ng ina.

Sa ngayon, sina Athena at Mateo ay included na sa listahan ng “National Missing and Unidentified Person System” ng FBI at California Justice Department.

Read more...