Daughter ni Janno na si Gabs engaged na sa GF: Love is love!

Daughter ni Janno na si Gabs engaged na sa GF: Love is love!

BUMUHOS ang pagbati para sa engagement ng anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Gabs Gibbs at sa  partner nitong si  Marga Bermudez.

Yes! Proud queer couple sina Gabs at Marga at ibinandera nila sa kani-kanilang social media accounts ang naganap na proposal nitong nagdaang Biyernes, August 16.

Base sa joint statement ng engaged couple, naganap ang surprise proposal ni Marga sa Thredbo Alpine Hotel, isang kilalang ski resort sa Australia.

Sa isang litrato na kanilang ipinost,  makikitang nakaluhod si Marga sa harapan ni Gabs na all smiles naman habang sila’y kinukunan at bini-video.

Ang caption nila sa kanilang IG post, “Prepare for the gayest wedding you will ever witness.”

Baka Bet Mo: Janno nakakalimutan kung minsan na patay na ang amang si Ronaldo Valdez

Present din sa espesyal na okasyon ang parents ni Gabs na sina Janno at Bing pati na rin ang kapatid ni Gabs na si Alyssa.

Sa kanyang IG Story, ibinandera rin ni Gabs ang close-up shot ng engagement ring na isinuot sa kanya ni Marga at sinabing nagustuhan niya ang design nito na dinisenyo mismo ni Marga at ni Bing.

Aniya sa caption, “She understood the assignmentttt.”

Base sa Instagram bio ni Gabs, siya ay photographer/creative director/branding specialist habang si Marga naman ay isang DJ at entertainment director. Mga co-founders din sila ng creative space na Open House.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Janno sa engagement ng anak at ng girlfriend nito. Nag-post pa siya sa IG ng litrato nila ni Gabbi after the proposal.

“My bunso, Gabs, just got engaged to Marga, and we’re more than thrilled,” ani Janno sa caption na may hashtag na #loveislove.

Sumagit naman si Marga ng, “Love you, Tito, thank you.”

Read more...