2-anyos na lalaki patay matapos ma-shoot sa mainit na batchoy

2-anyos na lalaki patay matapos ma-shoot sa mainit na batchoy

Photos screenshots from ’24 Oras’

NALAPNOS ang halos buong katawan ng isang 2-anyos na batang lalaki matapos ma-shoot sa mainit na sabaw ng batchoy sa isang barangay sa Carles, Iloilo.

Na-confine ang batang taga-Barangay Pantalan, sa ospital dahil sa tinanong fourth degree burn ngunit namatay din makalipas ang ilang araw.

Base sa report ng “24 Oras” mula sa GMA Regional TV, nagtitinda raw ng pagkain ang ina ng bata na si Jeanette Gallardo habang naglalaro ang anak sa kanyang likuran.

Baka Bet Mo: Sharon inamin ang pinakaayaw pero minahal niya kay Kiko: Wala siyang pera, dahil ‘di siya nagnanakaw

Bigla na lang daw siyang nagulat nang mahulog ang anak sa kaldero na nasa sahig.

“Nabigla ako na bumagsak siya. Nakita ko siya nakaupo na sa kaldero na may sabaw. Kaagad ko siyang binuhat at humingi ng tulong,” ani Jeanette.

Sabi pa ng nanay, hindi na naman daw kumukulo ang sabaw ng batchoy pero mainit pa rin ito kaya nagtamo ng fourth degree burns ang bata.

Agad namang isinugod sa ospital ang kanyang anak ngunit binawian din ng makalipas ang halos isang linggo.

Baka Bet Mo: Donny sinorpresa ang DonBelle fans sa Sicogon Island, KC nag-react

Sa panayam kay Jeanette, sinabi nitong bukod sa pagluluksa sa nangyari sa anak, masama rin aniya ang kanyang kalooban dahil sa mga komentong pinabayaan daw niya ang bata kaya ito namatay.

“Marami ang nagko-comment na pinabayaan ko raw ang anak ko at isinilid ko sa kaldero. Diyos ko, tumutulo ang luha ko sa mga comment ng tao,” pahayag ni Jeanette.

Read more...