Kasalang Gerald-Julia this year fake news: ‘Ang dami pa naming projects’

Kasalang Gerald-Julia this year fake news: ‘Ang dami pa naming projects’

PHOTO: Instagram/@andersongeraldjr

BINASAG ng aktor na si Gerald Anderson ang kumakalat na chikang ikakasal na sila ng girlfriend na aktres na si Julia Barretto this year.

Sa isang interview ng ABS-CBN News, naitanong si Gerald kung totoo ba ang kumakalat na balita.

Agad naman itong pinabulaanan ng aktor at sinabing: “No!”

Pagtitiyak pa niya, “Kapag nangyari man ‘yun, it’s not something na itatago ko.”

Nabanggit din niya na kahit ang showbiz insider na si Ogie Diaz ay nag-message na sa kanya tungkol dito.

Baka Bet Mo: Gerald Anderson sa pagpapakasal: I’m closer to that

“Even si Mama Ogs nagsabi sakin, ‘Ge! Totoo ba ‘yung ano?’ Eh sabi ko –I’ll be proud of that. Alam niyo, it’s cliche pakinggan pero ang dami pang nakalinya [na projects]…even her,” paliwanag ng binata.

Kasunod niyan, inusisa na si Gerald kung ano ang reaksyon niya sa bagong pelikula ni Julia katambal ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Ayon sa aktor, all out support siya para sa girlfriend at panonoorin pa nga raw niya ang bagong movie nito.

“I’m a silent supporter, alam kong pinaghirapan niya ‘yan,” sambit ni Gerald.

Wika pa niya, “That’s why we’re like this na naging okay kami for so many years is because sinusuportahan namin ang isa’t-isa.”

Naitanong din si Gerald kung hindi raw ba ito nagseselos dahil katrabaho ni Julia ang dating dyowa nito.

Ang sagot ng aktor, “Sa totoo lang, awkward talaga ang trabaho namin. Andoon ako dati sa sitwasyon niya that’s why I tried to be as supportive as possible.”

“I don’t want to steal the spotlight. Pinaghirapan nila ‘yan eh and I know how hard it is to work on a movie na gusto mong mapanood ng maraming tao. So you just give it to her, it’s her time,” aniya pa.

Palabas na sa mga lokal na sinehan ang romance-drama film na “Un/Happy For You,” ang comeback movie nina Julia at Joshua.

Ayon sa mga writer ng pelikula, hindi nalalayo ang kwento at tema nito sa mga pinagdaanan ng ex-couple sa kanilang love story dahil iikot ang istorya sa mag-ex na muling pagtatagpuin ng tadhana.

Huling nagkasama sa pelikula sina Julia at Joshua sa kanilang 2018 movie na “I Love You Hater” kasama ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Naghiwalay naman sila noong 2019.

Read more...