Joshua ayaw pang ipatayo ang dream house, marami pang gastos

Joshua ayaw pang ipatayo ang dream house, marami pang gastos

Joshua Garcia

SA estado ngayon ng aktor na si Joshua Garcia ay kayang-kaya na niyang ipatayo ang kanyang dream house pero hindi niya ito prayoridad sa ngayon.

Halos lahat ng bagong artista at nagsasabi na kapag nakaipon na sila ay magpapatayo sila ng kanilang dream house kung saan makakasama nila ang kanilang pamilya o magulang na nagtaguyod sa kanilla.

Isa ito sa topic na napag-usapan nina Bianca Gonzalez-Intal at Joshua sa “BRGY” vlog ng The Filipino Channel (TFC).

Baka Bet Mo: Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

Inamin ng aktor na grateful siya dahil hindi siya nawawalan ng trabaho at lagi niyang ipinagdarasal sa Panginoong Diyos na maging instrument siya para makatulong sa kanyang pamilya pati na rin sa ibang tao.

“Masaya ako kapag nakakatulong ako kahit minsan sinasabihan na ako ng mga nasa paligid ko na baka sobra na ‘yung bigay mo na naging Santa Clauis na ako pero hindi ko napapansin kasi nae-enjoy kong tumulong din,” kuwento ni Joshua.


Pinuri ng “BRGY” host ang aktor, “’Yun ang mga simple joys mo, in fairness consistent ka talaga.”

At tinawag na “The Good Son” talaga ang binata na naging titulo ng serye nila noon nina Jerome Ponce, McCoy de Leon at Nash Aguas na ipinapabas taong 2017 hanggang 2018.

Tungkol naman sa dream house, “Hindi ko pa rin siya priority, parang okay pa ako sa townhouse namin ngayon. Kasi feeling ko magdodoble ‘yung gastos ko kapag bumukod ako.

“Kasi (ngayon) kasama ko pa ‘yung ate ko, pamangkin ko, e, pinapaaral ko pa ngayon si ate at saka ‘yung pamangkin ko.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia may inamin tungkol kay Kathryn Bernardo, anong konek sa isang sinehan sa Batangas?

“I think better din na nandoon ako kasama sila at least may pamilya pa rin sa poder ko na kasama ko, kasi si Papa (ibang pamilya) nasa Batangas na at si Mama nasa Batangas din, malayo sila sa akin.

“So, I think better din talaga na may pamilya ka sa paligid mo kahit hindi ko masyadong nakikita at least alam kong nandoon lang sila, may tao (townhouse) may laman ‘yung bahay,” paliwanag ni Joshua.


Tanong ni Bianca, “But if you want to, kaya mo talaga (bumili ng bagong bahay). San mo natutunan ‘yung hindi palawaldas ng pera?”

“Ha-Hahaha! May time rin naman na waldas din ako sa pera, lagi ko sinasabi na regalo ko ‘to sa sarili ko. May mga kaibigan akong nagpapayo rin sa akin lalo na sina Enchong (Dee) na mga businessminded din.

“And at the same time naisip ko na parang hindi ko pa kailangan ngayon (bagong bahay) kasi hindi pa makakabuti dadami lang lalo ‘yung gastusin ko,” katwiran ng aktor.

Nabanggit din ni Joshua na pinapaaral niya ang dalawang kapatid niya sa father side at ang mama naman niya ay pinagawan niya ng retiring home sa Batangas din kung saan ito nagtu-tutor at isa rin itong mananahi.

“’Yung sa baba, doon siya nagtu-tutor (classroom) at sa taas naman ang tahian niya, maraming nagpapatahi sa kanya,” tsika ni Josh.

Hindi na rin naglalaro ngayon ang aktor ng computer, “Nagsawa na ako after 1 year, kasi siyempre noong pandemic walang ginagawa kaya ‘yun ang pinagkakaabalahan ko, pero ngayon hindi na.”

Ang daily routine ng aktor kapag hindi siya busy ay mag-work out para pagpawisan at maging healthy at nag-i-invest din daw siya sa mga masusuntansiyang pagkain para hindi siya magkasakit.

Pagdating sa material na bagay ang simple joy niya ay ang pangongolekta ng mga mamahaling relo na kino-consider din niyang investment.

Samantala, nagpapasalamat ang aktor sa suportang ibinibigay sa pelikula nila ni Julia Barretto, ang “Un/happy For You” dahil sa maraming nanonood at nagustuhan din ito.

Read more...