Ruffa iyak ng iyak, anak na si Venice mag-aaral na sa US: ‘Sad but proud mom’

Ruffa iyak ng iyak, anak na si Venice mag-aaral na sa US: ‘Sad but proud mom’

PHOTO: Instagram/@iloveruffag

SUPER cry ang celebrity mom na si Ruffa Gutierrez sa latest niyang social media post.

Magpupunta na kasi sa United States ang bunso niyang anak na si Venice upang doon mag-aral ng kolehiyo.

Sa Instagram, ibinandera ni Ruffa ang emosyonal na paghatid niya sa anak papuntang airport.

“Today, my youngest daughter, Venice, will spread her wings and begin a new chapter in her life as a university student,” caption ng dating beauty queen.

Aminado rin si Ruffa na nahirapan siyang mamaalam kay Venice kaya humagulgol daw siya ng iyak ng ilang oras.

Baka Bet Mo: 2 anak ni Ruffa makadurog-puso ang mensahe para kay Alexa Gutierrez

Gayunpaman, very proud mom daw siya dahil unti-unting tinutupad ng kanyang youngest child ang pangarap nito.

“Saying goodbye is so difficult! I’ve been ugly crying for an hour now but I know that you will be chasing your dreams while forging new friendships,” wika niya sa post, kalakip ang hashtags na “sad but proud mom” at “empty nester.”

Bandang dulo ay nagbilin siya sa kanyang panganay na anak na si Lorin na alagaan at bantayan si Venice bilang pareho na silang nasa US.

Hindi pa idinedetalye ni Ruffa kung saan mag-aaral si Venice, pero ibinunyag niya sa Instagram Story na mananatili ito sa Texas.

“Crying our eyes out and locked in a deep embrace as we all go our separate ways,” lahad ng aktres na ipinapakita ang picture nilang mag-ina na magkayakap sa airport.

PHOTO: Instagram Stories/@iloveruffag

Bukod diyan, ni-repost din si Ruffa ang post ng dati niyang mister na si Yilmaz Bektas na ipinakita ang litrato nilang dalawa ni Venice at inihayag ang kanyang pagmamahal sa anak.

PHOTO: Instagram Story/@iloveruffag

Matatandaang taong 2007 nang maghiwalay sina Ruffa at Yilmaz, at noong 2012 nang maaprubahan ang annulment nilang dalawa.

Read more...