Vice Ganda, Lassy nag-ala Carlos Yulo at Chloe San Jose, celebs tawang-tawa

Vice Ganda, Lassy nag-ala Carlos Yulo at Chloe San Jose, celebs tawang-tawa

Vice Ganda and Lassy, Carlos Yulo and Chloe San Jose

GOOD vibes at marami ang tawang-tawa sa kwelang social media post ng TV host at komedyanteng si Vice Ganda.

Paano ba naman kasi, ibinandera niya ang tila pagkakahawig niya at ni Lassy Marquez sa couple na sina Carlos Yulo at Chloe San Jose.

Sa Instagram, makikita ang picture nila ng kapwa-komedyante na nakasakay sa eroplano.

Sa photos, tila may pagkaka-resemblance ang hairstyle with bangs ni Lassy kay Carlos, habang suot naman ni Vice ang isang blonde wig na may bangs rin na katulad ng buhok ni Chloe.

“CarlosYulo x Chloe chozzzzzz!” birong caption ni Vice sa post.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo ipinaglaban ang dyowa sa ina: Ayaw talaga niya kay Chloe

Bentang-benta naman ito sa maraming netizens at celebrities na umaani na ng mahigit 138,000 likes at libo-libong comments.

“Di ako naniniwalang si Carlos at Chloe ‘yan. Kiss nga para proof,” wika ni Neil Arce sa comment section.

Lahad naman ni Eugene Domingo na tinutuko ang pagiging champion ng two-time Olympic gold medalist, “Congrats!”

Ani naman ni Rechel Hoco, “Meme, parang stress na stress sa Paris si Caloy! Eme.”

Bukod sa pagbibigay karangalan ni Carlos sa bansa, naging usap-usapan din ang kanyang girlfriend na content creator na si Chloe matapos umamin ang ina ng atleta na si Angelica na hindi siya aprub o boto sa kasintahan ng anak.

Sinabi pa nga ni Angelica na si Chloe ang dahilan kaya nagkagulo umano ang kanilang pamilya.

Samantala, dinepensahan ni Carlos ang girlfriend at sinabing isa ito sa mga dahilan ng kanyang pagkapanalo, lalo’t never siyang iniwan ni Chloe.

“My message to you, Ma, is to heal and move on,” sambit ni Carlos sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, “I forgave you a long time ago. I pray that you are always safe and in good health. Let’s stop this (bickering) and instead celebrate the hard work and sacrifices of every Filipino athlete at the Olympics.”

Read more...