Cristine Reyes binasag ang katahimikan, ‘di pa hiwalay kay Marco

Cristine Reyes binasag ang katahimikan, ‘di pa hiwalay kay Marco

PINABULAANAN ng akres na si Cristine Reyes ang mga kumakalat na chikang hiwalay na sila ng aktor na si Marco Gumabao.

Marami kasi sa mga netizens ang tila nag-iisip kung kumusta na ang relasyon ng dalawa dahil wala ang aktres sa magaganap na birthday celebration ni Marco sa August 18.

Nag-post kasi ang binata sa kanyang Instagram tungkol sa kanyang 30th birthday at ang paparating nitong selebrasyon sa GOA Central school kung saan wala si Cristine.

Mas lalo pang umugong ang usap-usapan kung break na nga ba ang dalawa dahil nang hanapin ng netizens kung naka-follow pa sila sa isa’t-isa ay deactivated ang IG account ng aktres.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao, Cristine Reyes nag-break nga ba?

Kaya naman hindi naiwasan ng mga netizens ang magtanong sa latest post ni Marco kung nasaan si Cristine at kung ano na ang estdo ng kanilang relasyon.

Makalipas ang ilang oras ng pag-trending ng dalawa sa social media sites ay nagbahagi ng Facebook story ang aktres ng larawa nila ng kasintahan.

“Mahal ko yan. 30 na yan siya,” nakalagay sa kanyang Facebook My Day.

Kasunod nito ay ang larawan ni Cristine kasama ang ama na nakahiga sa hospital bed.

”HBD rin sa unang nag-alaga sakin. Unang mahal ko.. Daddy Metreng! Same bday pa ng love love ko din yan @gumabaomarco,” sey pa niya.

Ito na nga ang kumpirmasyon na maayos ang lahat sa pagitan nina Cristine at Marco.

Bukod pa rito, makikita sa latest Instagram stories ni Marco na magkasama sila ng kasintahan sa kanyang pagse-celebrate ng birthday.

“Cheers to 30!” sabi ni Marco sa IG story kung saan makiktang nag-cheers sila ng wine glass.

May mga posts rin ito kasama ang mga kaibigang sina Dominic Roque at Patrick Sugui.

Read more...