Xian Gaza may pasaring kay Chloe, nagseselos nga ba sa coach ni Caloy?

Xian Gaza may pasaring kay Chloe, nagseselos nga ba sa coach ni Caloy?

MULI na namang nagpasaring ang self-proclaimed Pambansang Marites na Lalaki na si Xian Gaza sa dyowa ni two-time Olmpics gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi nito ang nasagap niyang chika patungkol sa umano’y hindi pagbanggit o pagpapasalamat ni Carlos sa isa niya pang coach na baabe dahil pinagseselosan ito ng kanyang girlfriend.

“TSISMIS FROM VERY RELIABLE SOURCE: Hindi daw pinapayagan ni Chloe na i-post ni Carlos Yulo yung coaching team niya kasi daw ayaw nitong masapawan. Kaya pala silang dalawa lang palagi ang ina-upload ni Caloy. Nagseselos pala si Chloe,” mababasa sa Facebook post ni Xian.

Ang sinasabing coach ng social media personality na pinagseselosan raw umano ni Chloe ay ang sports occupational therapist ni Carlos na si Coach Hazel Calawod.

Baka Bet Mo: Xian Gaza hindi pa nakaka-move on sa ex-fiancee, anyare?

Chika pa ni Xian, sino nga raw ba si Coach Hazel na graduate lang naman sa Harvard University na talaga namang napakaganda rin.

“Thank you for inspiring our olympic gold medalist, Coach Hazel. Pasensya na kung hindi ka niya maipagmalaki. Don’t worry, proud ako sayo,” sey ng social media personality.

Pang-inis pa nito kay Chloe, “Kaya pala nakasungkit ng dalawang ginto may dalawang inspirasyon.”

Nagsalita naman si Chloe sa mga inilabas na paratang ni Xian laban sa kanya.

Nilinaw naman ng dalaga na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita tungkol sa pagseselos niya kay Coach Hazel.

“H’wag kayong issue, kung ano ano na lang talaga no. me and coach Lyn Hazel (loafie) are good good friends,” sey ni Chloe.

Wala pa namang pahayag si Caach Hazel na nasasangkot sa isyu dahil sa inilabas na pahayag ni Xian.

Read more...