Yassi inalala yumaong ama nang maka-bonding mga cancer patient

Yassi inalala yumaong ama nang maka-bonding mga cancer patient

Yassi Pressman kasama ang mga bata sa Child Haus

HINDI maiwasan ni Yassi Pressman na alalahanin ang yumaong ama nang magkaroon ng chance na makapiling ang batang nakikipaglaban sa cancer.

Nakasama ang aktres at dancer sa birthday celebration ng anak ng kanyang bestfriend kamakailan na ginanap sa Child Haus, isang charitable institution na tumutulong sa mga cancer patients.

Kuwento ni Yassi, naging mas makahulugan ang 4th birthday ng kanyang inaanak na si Nara, dahil napasaya at nabigyan nila ng inspirasyon ang mga batang nasa Child Haus.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso actress ng ilang litrato at video na kuha sa naturang okasyon kalakip ang pagbabahagi ng naging experience niya na hinding-hindi raw niya makakalimutan.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us

“A day with @childhausph. they’re a charity organization dedicated to provide home and care for indigent children with cancer.

“Some of these kids are as young as 1 year old–while others experienced being revived multiple times, and so many more stories.

“Knowing what these angels had to endure at such a young age breaks my heart but it’s also a reminder to be grateful for what we have, don’t lose up, and to always give back and be a blessing for others, every chance that you can get,” ang madamdaming mensahe ni Yassi.

Nang marinig daw niya ang kuwento ng mga batang naka-bonding nila sa Child Haus at ng kanilang mga magulang, naalala niya ang yumaong ama na nakipaglaban at namatay sa cancer.

“Being here reminded me of my dad, too, and his 7 years of fight with cancer; accompanying him all those years i saw upclose how much strength and love from people around you is needed to survive every single day.


“Hindi madali, pero gumagaan kapag may kasama ka sa laban,” ani Yassi.

Baka Bet Mo: Yassi binalikan ang moment nang mamatay ang tatay: Feeling ko I was having a stroke…halos manigas talaga yung face ko

“May this post serve as a reminder to be that person for others; be it family or not. everybody can use some more love and care,” dugtong ng aktres.

Nagbahagi rin siya ng mensahe para sa kanyang inaanak na si Nara, “It was so lovely to spend my bestfriend’s daughter’s birthday here, happy birthday Nara.

“You are surrounded by people setting good examples, continue to be an angel, Nangnang loves you, nawee.

“If anyone else wants to help support these kids, you can message child haus ph at childhausmanila@gmail.com,” sabi pa ni Yassi.

Huling napanood si Yassi sa katatapos lang na hit Kapuso action-drama series na “Black Rider” bilang leading lady ni Ruru Madrid.

Read more...