VIRAL ngayon sa social media ang isang video na ibinabandera ang ama ng two-time Olympic gold medalist na si Mark Andrew Yulo.
Ito ‘yung bago mag-umpisa o dumaan ang Grand Heroes’ Parade na nangyari kahapon, August 14.
Mapapanood sa Facebook Reel ni Daisy Teodoro na kumakaripas ng takbo si Ginoong Mark upang makatawid sa kabilang side ng kalsada.
Makikita rin ‘yung pag-akyat niya sa mataas na lugar upang makita mabuti ang pagdaan ng kanyang anak na si Carlos Yulo.
May mga kasama rin siya na may hawak na banner na ang nakalagay ay, “Caloy dito papa mo!”
Baka Bet Mo: Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita
Sey sa caption ng uploader, “Tumakbo ang papa ni Carlos para lang makita siya [happy face, heart hands emojis].”
Aniya pa, “Super excited ang papa niya.”
Ang viral video ay umaani na ng halos 5 million views at libo-libong reaksyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Sobrang sakit sa damdamin makikitang kasama niya ang GF niya sa Malacañang. Dapat magulang niya ang nandoon sa tabi niya.”
“Kakaiyak lamang, millionaire ka tapos tatay mo hinayaan mong tumakbo kung saan saan, para lamang makita ka.”
“Mali ang organizer ng welcome event hindi nila isinali ang pamilya ni Carlos Yulo kinawawa nila ang Yulo family.”
“Naawa ako kay tatay…nanlilimos ng pagmamahal at pang-unawa sa anak niya.”
“Just imagine your girlfriend is up in the caravan and none of your family is there? The father made sure Carlos sees him…For sure both the parents and siblings want to see him and be with him despite what happened? Just saying [peace sign, red heart emojis]”
Magugunitang nauna nang nag-viral sa socmed ang video ni Ginoong Mark na proud na proud sa kanyang anak, habang dumadaan ang float na sinasakyan ni Carlos.
Hindi ipinakita kung ano ang naging reaksyon ng Olympic champion, pero may nakapagsabi na sinaluduhan daw ng binata ang kanyang ama.
Kasunod niyan ay nag-post si Carlos na humingi ng pasensya sa kanyang tatay at looking forward na magkasama sila.
“Maraming salamat Pa, masaya ako nakita kita don nakasuporta!” saad ni Carlos sa ni-repost niyang viral post.
Patuloy niya, “Pasensya na Pa hindi ako masyado nakakaway, ang daming nagpa-authograph hehe.”
“Kitakits soon Pa Mark Andrew Yulo (praying hands emoji),” ani pa ng Olympic gold medalist.