Bela Padilla bet maging regular host sa ‘Showtime’ ng madlang people

Bela Padilla bet ng madlang pipol na maging regular sa 'It's Showtime'

MAS dumarami ang clamor mula madlang people na isama na ang actress-director na si Bela Padilla sa mga mainstay hosts ng noontime show na “It’s Showtime”.

Marami kasi ang napapahanga sa hosting ng dalaga at kakulitan nito sa show.

Bukod pa rito, marami rin ang npapabilib kay Bela sa galing nito sa pagbibigay ng mga advice sa mga bisita nila lalo na sa segment na “EXpecially For You”.

Madalas kasing kasama anag aktres sa naturang segment at madalas ay sila ang nagbabatuhan ni Vice Ganda sa pagbibigay ng mga payo sa contestants.

Baka Bet Mo: Bela Padilla nagpasaring kay Cat Arambulo: Come on!

Maging si Vice Ganda ay napahanga sa ipinapakitang performance ni Bela at sa mga insights nito sa buhay

“Ang ganda ng mga sinabi mo. Bakit ngayon ka lang pumasok rito? Pagod na pagod na rin ako. Ilang buwan ko na rin itong ginagawa. Bakla ka! Wala kang habag!” sey ni Vice kay Bela.

Kaya naman hindi na rin napigilan ng ilang netizens na mag-request na sana’y isali na ang aktres sa mga mainstay hosts dahil maganda ang palitan nila ng banter ni Vice at may charm rin talaga ito sa mga manonood.

Umabot pa nga kay Bela ang balita na bet na bet siyang mapanood nang madalas ng madlang pipol sa “It’s Showtime”.

Sey nito sa kanyang X (dating Twitter) account, “Wag po tayo magwelga I’ll be there tomorrow ” ani Bela sa kaniyang X post noong Linggo.

Sa ngayon ay wala pa namang malinaw na balita kung matutupad ba ang hiling ng madlang people sa pagiging main host ng aktres.

Read more...