INATAKE umano ng matinding anxiety attack kaya isinugod sa ospital ang isang GMA independent contractor na inakusahan ni Sandro Muhlach ng sexual harassment.
Martes ng umaga raw, August 13, dinala sa ospital si Richard “Dode” Cruz, dahil sa grabeng anxiety attack matapos humarap sa Senate hearing last Monday, August 12.
Kinumpirma ito ng legal counsel ni Cruz na si Atty. Maggie Abraham-Garduque sa panayam ng veteran showbiz reporter at radio host na si Gorgy Rula.
Baka Bet Mo: Resbak ni Pia sa nagsabing tinitira nila si Catriona: Wala akong attack dogs…tanggalin mo na yang pait sa puso mo
“Yes, Dode was rushed to the hospital today. He has anxiety attacks after the hearing yesterday and was rushed to the hospital this morning.
“As I previously mentioned, my clients had been suffering physical and psychological stress since their names and images were posted on social media as alleged persons who abused Sandro Muhlach.
“Despite presumed innocent and no case filed, they were being crucified online as if already liable. I think the Senate hearing took so much toll to Dode and aggravates his condition.
“Currently, he is admitted to the hospital and tomorrow he will undergo endoscopy and colonoscopy,” pahayag ng abogada.
Baka Bet Mo: 2 GMA contractor todo-tanggi na inabuso si Sandro Muhlach
Mula raw nang pumutok ang iskandalong ito ay inatake na ng matinding stress si Cruz at mas lumala pa raw ito nang mapanood nila ang pagpunit ni Sen. Jinggoy Estrada sa ipinadala nilang sulat sa unang hearing ng Senado last week.
Sinundan pa ito ng pagpapa-subpoena ng mga senador kina Cruz at Nones para personal na silang dumalo sa susunod na hearing na kanila ngang ginawa nitong nagdaang Lunes.
Ngunit nanindigan ang dalawang independent contractors ng GMA na wala silang inabuso at malinis ang kanilang kunsensiya.
Paliwanag ni Cruz, “Opo, kami po ang independent contractors ng GMA Network na tinutukoy sa mga online post na kumalat noon mga nakaraang araw.
“Subalit, hindi po kami gumawa ng anumang sexual harassment or abuse laban kay Sandro Muhlach.
“Sa pagkakataong ito, sa harap ninyong lahat, mariin pong itinatanggi namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin.
“Kami po ay hindi executives ng GMA Network, tulad ng lumalabas. Taliwas sa sinasabi online, wala po kaming kapangyarihan o impluwensiya sa network, lalung-lalo na sa mga artista nito.
“Sinabi naman po ng GMA na hindi kami regular employee ng network. Alam po namin na konting pagkakamali lamang na nagawa namin sa produksiyon ay maaaring ma-terminate ang aming kontrata at mawalan kami ng trabaho,” lahad pa niya.