Zephanie, Marco, Ashley bibida sa GMA Gen Z series na ‘MAKA’

Zephanie, Marco, Ashley bibida sa GMA Gen Z series na 'MAKA'

Romnick Sarmenta, Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford at Dylan Menor

BABANDERA sa bagong Gen Z series ng GMA Public Affairs na “MAKA” ang Sparkle youngstars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa.

Makakasama rin nila rito ang iba pang Kapuso teen stars na sina Olive May, John Clifford at Dylan Menor.

Sa ginanap na storycon ng nasabing youth-oriented drama series ay ipinakilala na nga ang cast members na magbibigay-kulay sa kuwento ng anim na estudyante sa arts and performance section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts.

Baka Bet Mo: ‘Walang masama kung lumipat man si Zephanie sa GMA, kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya’

Hindi nga raw biro ang naging daan para makuha ang kani-kanilang role dahil dumaan sa series of auditions ang young stars.

Kaya naman bakas ang tuwa sa mga Kapuso stars na mapabilang sa seryeng ito.


“We’re so excited. Medyo nakaka-pressure po. Nandun ‘yung talagang gusto naming maibigay ‘yung 100 percent namin. We’re so grateful po,” pagbabahagi ni Zephanie sa isang panayam.

“I think good pressure naman ito,” saad naman ni Marco. “Mas invested na ako sa character ko. Mas excited na ako for what will happen sa set. Ito rin ‘yung way to communicate with the Gen Zs ngayon,” aniya pa.

“Super happy to play my role dahil medyo influencer din,” sabi ni Ashley na hindi maitatangging isa sa mga young stars na may malaking followers sa social media ngayon.

Baka Bet Mo: Vice kinuyog ng fans ni Zephanie, pinagsabihan ni Cristy: Nasasabi niya ‘yan dahil milyonaryo siya, marami siyang pera

Excited na rin sa kanilang bagong project sina Olive May, John Clifford, at Dylan Menor.

Say ni Olive Ma, “Sobrang saya. As in nung nabasa ko ‘yung message, sabi ko ‘Seryoso ba ito?!’”

“Ito ‘yung one of the shows na dream ko talaga. I want to be in a teen musical drama,” chika ni John.


“I’m so happy and thankful na makakasama ko silang lahat,” dagdag ni Dylan.

Regular na napapanood si Zephanie sa “All-Out Sundays” at kamakailan nga ay may cameo role siya sa primetime series na “Pulang Araw” bilang si Chichay, isa sa chorus girls ng tinaguriang Queen of Bodabil na si Katy Dela Cruz played by Julie Anne San Jose.

Pinakilig naman ng #AshCo loveteam na sina Ashley at Marco ang fans nila sa katatapos lamang na seryeng “Black Rider.”

Bukod sa pagiging Miss Teen 2019 for the Central Visayas, kilalang miyembro si Olive May ng all-girl P-pop group na Calista.

Hindi rin papahuli sina John at Dylan na bukod sa pagkanta ay nagpakitang gilas na rin sa pag-arte sa ilang pelikula at Kapuso shows.

Read more...