SABAY-SABAY na nagtapos ang mag-iinang kongresista na sina Lani Mercado, Bryan at Jolo Revilla, sa La Salle Dasmariñas sa kursong Master in Sustainable Leadership and Governance.
Ayon sa aktres at public servant na si Cong. Lani, kahit nasa public service na siya, dapat ay patuloy pa rin sa pag-aaral.
“Hindi naman kasi talaga tayo abogado. Hindi naman tayo yung may kaalaman sa paggawa ng mga batas, kasi legislative ang ating trabaho bilang isang kongresista. So, kailangang mag-aral.
Baka Bet Mo: Robin binatikos dahil sa isyu kay Lapulapu; na-wow mali sa history ng DLSU?
“Pumasok tayo sa Ateneo for masteral courses, pero hindi ko lang natapos yung sa Ateneo because I had to leave, dahil may trabaho. First term ko nu’n sa Congress.
“Eto, natuto ako. Nag-offer ang De La Salle Dasmariñas sa amin ng kursong ito, because this is Sustainable Governance sa De La Salle Dasmariñas.
“Mapalad tayo dahil nabigyan pa tayo ng parangal,” pahayag ng butihing maybahay ni Sen. Bong Revilla.
Baka Bet Mo: 3 magkakapatid sabay-sabay na nagpakasal sa Cebu, dedma sa ‘sumpa ng sukob’
Pinarangalan si Cong. Lani with Highest Distinction kung saan mismong si Sen. Bong ang nagsabit sa kanya ng medalya. Parang magulang din ang senador na sobrang proud sa na-achieve ng kanyang asawa.
“Alam mo namang ulilang lubos ako. At yung mga panahong nag-aaral ako, si Sen. Bong siyempre kumbaga ang umintindi, umunawa. Alam naman niya yung hangarin ko. Na mahilig talaga akong mag-aral,” ani Cong. Lani.
“So, talagang nakasuporta yung mga anak ko. Pag nandiyan ako, they’re giving me space, they’re giving me time, they share all the responsibilities.
“Alay ko na rin sa mga anak ko, sa mga apo ko, aside from my constituents.
“So, proud ako na si Sen. Bong ang nag-alay ng medal na yan. Bahagi naman talaga siya ng aking buhay,” dagdag na pahayag pa ng aktres at kongresista.