Dating sikat na aktor tinakbuhan mga utang, nagtatago na

Dating sikat na aktor tinakbuhan mga utang, nagtatago na

HINDI kaya nakukunsensya ang dating sikat na aktor na ngayon ay may bago nang pinagkakaabalahan na trabaho na konektado sa gobyerno?

Nabalitaan kasi namin na nag-iwan ang aktor na ito ng milyones na utang sa maliliit na tao sa industriya.

Kuwento ng kaibigan ng taong hindi binayaran ng dating sikat na aktor ay umabot na sa kalahating milyon ang utang nito na naging dahilan kaya ito nagkasakit nang matindi na halos ikamatay niya.

Inatake kasi siya ng stress at depression dahil ipon niya ang inutang ng aktor na inilalaan niya in case of emergency.

Baka Bet Mo: Pokwang na-appreciate ang hangarin na mabigyan ng trabaho ang mga local artists, may mungkahi sa gobyerno

Bukod dito ay marami pang taga-industriya ang nagtrabaho sa prinodyus na pelikula ng dating sikat na aktor na puro pangako pero hindi na ito nagpakita pa.

Okay lang sana kung serbisyo lang ang hindi nabayaran kaso naglabas ng sariling pera ang mga taong ito para mabuo ang pelikula at higit sa lahat hindi rin masira ang mga pangalan nila kasama na ang dating sikat na aktor.

Nang wala nang madukot na pang-abono ang mga taong kasama sa pelikula at nagsabi sila sa dating sikat na aktor ay nagtengang-kawali lang ito at biglang hindi na nakipag-usap at hindi na rin nagpakita.

“Hindi alam ng mga tao kung saan makikita si ____ (dating sikat na aktor) dahil binago nito lahat ng contact numbers niya, pati ‘yung inuuwiang bahay ay hindi na rin siya ro’n nakatira, as in nawala na,” kuwento ng kaibigan ng taong nautangan ng dating sikat na aktor.

Sabi inga namin, bakit hindi nagdemanda ang mga taong hindi binayaran ng dating sikat na aktor.

Baka Bet Mo: Nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player arestado sa mga kasong extortion, carnapping

“Wala silang pambayad na ng abogado, nasimot pera nila,” sagot sa amin.

Sa kasalukuyan ay bihirang magkaroon ng projects ang dating sikat na aktor dahil hindi naman siya binibigyan ng project ng network kung saan siya nadiskubre at in fairness loyal naman ito dahil hindi nito naisipang lumipat sa ibang TV network.

Anyway, sana maisip ng dating sikat na aktor na life is short at hindi natin hawak ang bukas kaya sana bayaran na niya ang mga taong inutangan niya.

Read more...