Jaya miss na miss na ang fishball, taho sa Pinas, nabitin kay Regine

Jaya miss na miss na ang fishball, taho sa Pinas, nabitin kay Regine!

Jaya at Regine Velasquez

NAGING emosyonal ang Soul Diva na si Jaya nang muling makita at makasama ang kanyang BFF na si Regine Velasquez-Alcasid sa matagumpay na “ASAP Natin ‘To In California.”

Nagsilbing reunion ng magkaibigan ang naganap na “ASAP” concert sa Amerika last week kung saan muling nasaksihan ng mga kababayan natin sa US ang kanilang iconic duet ng “Habang May Buhay“.

“It’s so nostalgic kasi ilang taon na ba akong wala sa atin, tapos we saw each other a few days ago, and literally pure joy for me.

Baka Bet Mo: Jaya nakalipat na sa bagong tahanan matapos masunugan sa US: Thank you Lord for new beginnings!

“Pure joy to see everyone from the boss, the singers, to the staff, lahat. Napakasaya. I’m so overjoyed,” ang pahayag ni Jaya sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag chika pa ni Jaya, “Bitin kaming pareho, pero there’s nothing we can do. Pero the fact that we got to talk, kasi ang daming chika, alam mo na. Catching up. I love that girl, I love my mare.”

Naluha rin ang Soul Diva nang makachikahan ang ilan pang performers sa “ASAP” US concert na sobra raw talaga niyang na-miss, “Ang bigat ng prod. I’m seeing Jonalyn. It was just pure joy for me.”

Naka-base na ngayon si Jaya sa Texas kasama ang kanyang pamilya. In fairness, may mga shows pa rin siyang ginagawa sa iba’t ibang lugar sa North America.


Masaya niyang ibinalita na may plano na rin siyang bumalik sa Pilipinas para sa ilang projects, “Try nating bumalik with the help of Cornerstone (nagma-manage sa career niya), ‘yung mga managers natin doon.

Baka Bet Mo: Barbie epektib na kontrabida sa Julie Anne-David loveteam; Klea, Jeric eeksena sa ‘Heartful Cafe’

“We were planning for November, pero parang bitin siya. Kasi meron akong Middle East (shows), baka ang lola mo bilang matanda na, baka hindi maka-survive nang sakto.

“At least if not for this year, end of the year next year na sana. Hindi pwedeng hindi bumaik dahil ang mga fishball, taho, mga ganern. Sana maayos namin within the frame of the last quarter,” pahayag pa ni Jaya.

Read more...