PBB 11 seaman housemate na si Brx umamin kay Kuya: I’m a gay man

PBB 11 seaman housemate na si Brx umamin kay Kuya: I'm a gay man

PBB 11 housemate Brx Ruiz

MATAPANG na inamin at nag-come out on national TV ng “Pinoy Big Brother Gen 11” housemate na si Brx Ruiz na isa siyang bading.

Sa episode ng Kapamilya reality show last Monday, nagkaroon ng lakas ng loob si Brx, na tinaguriang “Seamanluluto ng Bacolod” na ibandera sa buong universe ang kanyang tunay na pagkatao.

Sa pakikipag-usap niya kay Big Brother, umiiyak na sinabi ni Brx na ito na ang tamang panahon upang magpakatotoo sa madlang pipol.

“Siguro ito na ang week, Kuya, na kailangang maging matapang ako at open na ako sa sarili ko, kung sino ako, kung ano ako.

Baka Bet Mo: Ruby Ruiz nakipagbardagulan kay Nicole Kidman; may inamin tungkol kay Maja

“Alam ko na magiging life-changing ito para sa akin at isa ito sa reason ko, Kuya, kung bakit sumali ako.

“Yung kilalanin ko pa ang sarili ko, maging matapang at hindi iisipin kung ano ang iisipin ng ibang tao. Sumali ako rito dahil sa isang rason din Kuya,” pahayag ng seaman habang pinupunasan ang luha.


“Kuya, I am a gay man and, it’s time na po na isipin ko ang sarili ko. Hindi dahil nominado ako kaya ko sinabi ito kung hindi ito talaga ‘yung purpose ko rin. Yung toxic masculinity sa isang workplace dapat iwasan talaga ‘yon,” ang rebelasyon ng housemate.

Patuloy pa niya, “Gusto ko na mabuhay ng free. ‘Yun nga ang sabi ko, Kuya. The secret of happiness is freedom and  the secret of freedom is courage.”

Sa tanong ni Kuya kung bakit hindi niya agad inamin sa publiko ang kanyang sexual preference, “Natatakot po ako na mahusgahan especially namulat po ako sa trabaho na puro lalaki.”

Hindi rin daw siya lantarang umamin sa kanyang pamilya, “Wala naman po akong coming out moment sa family ko. Since bata ako parang alam na din naman nila, ganoon po ako. Natanggap nila lahat, suwerte po talaga ako sa mga magulang ko. Never po nila ako akong hinusgahan.”

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Ruby Ruiz: ‘Echosera din itong si Nicole Kidman!’

Kasunod nito ang pag-reveal ni Brx tungkol sa 10 taong relasyon niya ng kanyang partner na malapit nang maging kapitan ng barko.

“Yes po mag-o-almost 10 years na po kami Kuya. Isa po siyang Second Officer, dalawang step na lang magkakapitan na po. Doon din po ako humuhugot ng suporta at saka inspirasyon sa kanya kasi napakabait na tao ‘yon.


“He is the most kindest person na nakilala ko. Sa 10 years namin, ‘yung  respeto talaga nangingibabaw saka siya ‘yung support system ko. Sa lahat ng bagay, nandiyan siya,” sabi pa ni Brx.

Proud naman si Big Brother sa tapang ng housemate, “Brx, humahanga ako sa katapangan mo. Sa mundong mapanghusga, hindi madali ang pagharap dito.

“You have taken a brave step. And you have sailed many oceans para humantong sa ganitong desisyon. Bilang Kuya mo I’m very proud of you.

“Sa dami ng pangungutya at panghuhusga na hinarap mo, pero lagi mong panghahawakan ang mga importanteng tao sa buhay mo na pinapahalagahan mo at pinahahalagahan ka rin.

“It will be your greatest anchor na kahit saang agos ka dalhin hindi ka mawawala ng landas. Maging malaya ka,” payo ni Kuya kay Brx.

Pagkatapos ng masinsinang usapan nila ni Kuya, umamin din si Brx sa kapwa housemates, “Ito yung pinakamatapang na ginawa ko sa buhay  ko. Naiiyak ako. I’m scared.”

Niyakap naman siya ng mga housemate na sina Jas at Noimie.

Last Sunday, isa si Brx sa apat na housemate na nakasama sa third nomination night para sa susunod na eviction.

Read more...