ARTIST ang ginagampanang role ng Vivamax hunk na si Ali Asistio sa pinakabago niyang pelikula, ang “Pintor At Paraluman”.
Sa trailer ng movie, ipinakita ang eksena habang ipinipinta niya ng hubo’t hubad ang co-star niyang si Athena Red na gumaganap bilang isang “imortal na dyosa”.
Sa presscon ng naturang Vivamax Original Movie, natanong namin si Ali kung mabibigyan siya ng chance sino sa mga sikat na female celebrities natin ang gusto niyang ipinta nang nude.
“Siguro si Liza Soberano kasi ang ganda kasi niya talaga. Tapos para talaga siyang dyosa,” ang tugon ng hunk actor.
Baka Bet Mo: Sex scenes nina Jao Mapa at Rhen Escano sa ‘Paraluman’ 1 take lang: Hindi kami nahirapan, pero…
Samantala, ang “Pintor At Paraluman” na isang sex-fantasy-drama ay pang-9th movie na ni Ali sa Vivamax, mula sa panulat at direksiyon ni Marc Misa for Vivamax.
Ito ang magsisilbing launching movie niya dahil this time ay siya na mismo ang flead star kaya nagpapasalamat siya nang bonggang-bongga sa Viva sa malaking break na ibinigay sa kanya
Sa mga hindi pa aware, si Ali ay produkto ng “Walang Tulugan with Master Showman” ng yumaong TV and movie icon na si German “Kuya Germs” Moreno.
Samantala, iikot ang kuwento ng “Pintor at Paraluman” sa isang young at talented artist na makakatagpo ang kanyang perfect muse para makalikha ng magagandang obra.
Pero may isang kundisyon – bawal silang magkalapit at maghawak, kahit gaano man nila gustuhin, dahil kapag ginawa nila ito ay parehas silang magdurusa at habambuhay na malalayo sa piling ng isa’t isa.
Baka Bet Mo: Ynna Asistio ‘2 beses’ nagpakasal kay Bully Carbonell, magiging mommy na rin: Ang tagal ko nang gustong magka-baby!
Kilalanin si Tristan (Ali), isang aspiring artist na gusto laging binibigay ang best pagdating sa kanyang mga obra. Magkukrus ang landas nila ni Paraluman (Athena), isang imortal na diyosa na walang katulad ang ganda.
Magiging muse ni Tristan si Paraluman at magsisilbing inspirasyon din ni Tristan sa tinatahak niyang karera bilang artist. Magiging nandyan palagi si Paraluman para sa binata at ‘di kalaunan ay mahuhulog sila sa isa’t isa.
Pero hindi lang laging swerte at kaligayahan ang hatid ng pagkakaroon ng isang imortal na diyosa bilang muse, lalo pa ang umibig dito. Katulad ng maraming bagay, mayroon din itong kapalit.
Kahit na pwedeng makasama ni Tristan si Paraluman, kahit na gumawa siya ng mga obra tungkol sa diyosa at patuloy na ibigin ito, mananatili na bawal silang maghawak o magkadikit man lang, dahil kapag ginawa nila ito, mawawala si Paraluman at maglalaho sa buhay ni Tristan.
Nag-iisa at natatanging kondisyon, pero para sa isang taong labis na nagmamahal ay napakahirap na gawin at sundin.
Paano mapagtitibay nina Tristan at Paraluman ang kanilang pag-ibig kung hindi nila pisikal na maramdaman ang pagmamahal nila para sa isa’t isa?
Manatili kayang tapat si Tristan sa nararamdaman niya para kay Paraluman at maging sapat sa kanya ang kung anong mayroon sila o bibigay siya at magpapadala sa mga makamundong nais niya?
Panoorin ang “Pintor at Paraluman” streaming exclusively sa Vivamax ngayong August 16, 2024.