Rosmar Tan tuloy ang pamimigay ng ayuda; nagpa-lechon sa Tondo

Rosmar Tan tuloy ang pamimigay ng ayuda; nagpa-lechon sa Tondo

Rosmar Tan

KNOWS n’yo ba na malaking bahagi ng kinikita ng content creator at negosyanteng si Rosmar Tan-Pamulaklakin ay napupunta sa kanyang mga charity works?!

Yes, mga ka-BANDERA, sa gitna ng ginagawang pamba-bash ng ilang netizens kay Rosmar ay patuloy pa rin siya sa pagtulong sa mga nangangailangan nating kababayan.

In fairness, kahit nga bina-bash siya ay hindi pa rin niya itinitigil ang kanyang mga charity projects tulad ng feeding program at pagtulong sa maliliit at nagsisimula pa lamang na mga negosyante.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Rabiya Mateo ‘tinawanan’ si Rosmar Tan: ‘Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?’

Tulad na lamang ng pagse-share ni Rosmar ng kanyang paboritong pagkain na lechon sa pamamagitan ng isang feeding program sa kanyang mga kababayan sa District 1, Tondo Maynila.


Sa darating namang Sabado, mamimigay uli ng tulong ang Team Rosmar sa mga nasunugang mga sa residente isang barangay sa Tondo, Manila.

Isa rin daw itong “giving back” para kay Rosmar sa lugar na kanyang kinalakihan. Tinawag niyang “Rosmar Cares” ang naturang programa kung saan mayroon din siyang pa-sopas at pamimigay ng grocery.

Para kay Rosmar, ang pagkain daw ng lechon ay hindi lang naman tuwing may okasyon. Anumang oras daw na nainisin ng sinuman ay makakakain nito.

Baka Bet Mo: Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan

Hindi man daw lahat ay makaka-afford na makabili ng lechon pero nandiyan daw si Rosmar para mag-share sa madlang pipol.

Nais din daw niyang makatulong sa mga small business owner kung kaya’t tinatangkilik niya ang paninda ng mga ito.


Naniniwala ang matagumpay na negosyante na silang mga business owner ay magiging matagumpay kung tatangkilikin ang produkto ng bawat isa.

Likas na maawain at matulungin sa kapwa, isa si Rosmar sa mga sikat na celebrities na nagbigay ng tulong noong humagupit ang bagyong Carina/Habagat sa Pilipinas.

Kasama ang nangungunang vape brand sa bansa na SHFT International sa pangunguna ni Eugene Chua, nakapagbigay sila ng daang-daang libong relief packs sa mga lugar na labis na naapektuhan ng nasabing bagyo gaya ng San Fernando Pampanga, Marilao Bulacan at muli sa Tondo Maynila.

Naging katuwang din nila ang mga local government unit sa mga nasabing lugar sa isinagawa nilang relief operations.

Read more...