Angela, Sam, Thea, Jef bibida sa musical play na ‘Once on this Island’

Angela, Sam, Thea, Jef bibida sa musical play na ‘Once on this Island’

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

KAABANG-ABANG ang musical play na pagbibidahan nina Angela Ken, Sam Concepcion, Thea Astley at Jef Flores!

Ito ang ‘Once on this Island’ na mula sa direksyon ni Robbie Guevara at mapapanood live na live sa darating na Setyembre.

Para sa mga hindi aware, hango ito sa 1985 novel na “My Love, My Love or The Peasant Girl” na isinulat ng American writer na si Rosa Guy.

Tungkol ito sa muling pagsasalaysay ng sikat na fairy tale ni Hans Christian Andersen, ang “The Little Mermaid,” na ang bida ay isang peasant girl ng French Antilles na na-inlove sa isang mayamang lalaki.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez excited na, dream come true ang pagsabak sa broadway musical

At para mailigtas ng peasant girl ang kanyang mahal ay nakipagsundo siya sa gods.

Kamakailan lang, binisita ng BANDERA ang rehearsal ng upcoming musical sa Makati City at doon namin nasilip kung ano ang mga aabangan.

Sina Angela at Astley ay magpapalitan sa bidang role na si “Ti Moune” at ang katambal nila riyan ay sina Sam at Jef bilang si “Daniel.”

Makakasama rin ng apat ang mga sumusunod na cast members:

Noel Rayos at Raul Montesa – “Tonton Julian”

PJ Rebullida – “Armand”

Krystal Kane at Shanaia Gomez – “Andrea”

Jasmin Fitzgerald – Goddess of Love na si “Erzulie”

Lani Ligot- “Mama Euralie”

Radha – Mother Earth na si “Asaka”

Garrett Bolden – God of Water na si “Agwe”

Sam Libao, Jordan Andrews, Faye Castro, at Jonjon Martin – “Storyteller”

Bianca Estacio at Reese Iso – “Little Ti Moune”

Lorenz Martinez – Demon of Death na si “Papa Ge”

Aminado sina Angela at Thea na very excited na sila sa pagbibidahang musical, lalo na’t todo ang ginagawa nilang paghahanda.

“‘Yung excitement ko na I’ll be playing one of the leads, siyempre, may part doon na nakaka-pressure pero at the same time, mas umaangat ‘yung saya na maging parte po ng magandang musical na ‘to,” panimula ni Angela.

Sambit pa niya, “From my first musical, this is very, very different kasi besides sa hindi na ako 7 year old, ‘yung similarity ko with Ti Moune is mas strong…so ‘yun din ‘yung excited ako, to showcase the truth ng character namin.”

Dugtong naman ni Thea, “It’s really a beautiful story, and everyone has been working so hard lalo na ngayon we’re doing choreo. Hardwork talaga. So siyempre, we were doing that so we can perform for everyone and do the best we can.”

Baka Bet Mo: Lea, Dolly bibida sa musical play na ‘Request sa Radyo’: Challenge accepted! 

Aside sa magandang performances, maraming aral din daw ang mapupulot sa kanilang play.

“Just fighting for something that you truly believe in or something that you truly love…to see this young girl fighting for something that she really wants and seeing that she has people on her side. So yeah, it’s a good way to inspire everyone,” pagbabahagi ni Shania.

Hirit naman ni Krystal, “I think family is a good topic here [because] it shows the importance of family…Everyone can see themselves in each character.”

Ang “Once on this Island” ay aarangkada tuwing Biyernes hanggang Linggo, simula September 6 hanggang 29 sa RCBC Plaza sa Makati City.

Mabibili ang tickets sa website ng Ticket2Me o sa link na ito: bit.ly/OnceOnThisIslandMNL

Taong 2017 nang magkaroon ito ng Broadway revival na ginanap sa New York City at ang isa sa mga gumanap diyan ay ang our very own broadway icon na si Lea Salonga bilang si “Erzulie.”

Kinilala pa nga itong “Best Revival of a Musical” sa Tony Awards noong 2018.

Read more...