Jake ibinandera ang kulitan nina Ellie, Erap: ‘Eyy muna Mayor…eyyy!’

Jake ibinandera ang kulitan nina Ellie, Erap: ‘Eyy muna Mayor…eyyy!’

PHOTO: Screengrab from Facebook/Jake Ejercito

GOOD vibes at nakakatuwa ang latest social media post ng aktor na si Jake Ejercito!

Ibinandera niya kasi sa Facebook Reel ang nakakaaliw na bonding moment ng kanyang anak na si Ellie, kasama ang lolo nito na dating pangulo at mayor na si Erap Estrada.

Mapapanood na tinuturuan ni Ellie ang kanyang lolo na mag-“eyy” sign na usong-uso ngayon sa mga Gen Z.

Kapansin-pansin na seryoso pa nga sa una si dating Pangulong Erap, habang pinag-aaralan ang pinapagawa sa kanya ng apo.

Pero nang biglang natawa ang mga kasama niya sa background ay bigla na rin siyang natawa at tila enjoy na enjoy ang bagong natutunan kay Ellie.

Birong caption pa ni Jake sa video, “Eyy muna Mayor eyyy [emojis]”

Baka Bet Mo: Jake thankful sa pag-aalaga ni Philmar kay Ellie: ‘She’s in good hands’

PHOTO: Screengrab from Facebook/Jake Ejercito

Sa comment section, maraming netizens ang natuwa dahil nakita nila kung gaano ka-close sa isa’t-isa ang mag-lolo.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“So cute ni Ellie teaching ‘eyyy’ si lolo Erap [smiling face with heart eyes emojis]”

“Eyyyrap and eeyyylie sweet bonding”

“Ang cute ng mag-lolo [happy face, red heart emojis]”

“Ka-cuuuute! Sweetness overload lolo and apo”

“Cute naman nila mag-bonding…so simple but become sooo memorable.”

“Nakakatuwa naman ang mag-lolo. Sana mas marami pang videos o pictures kasama family ni daddy Jake Ejercito. More content please. Thanks.”

“Pati lolo nabiktima sa eyyy na yan [laughing face emojis]”

“Si Ellie lang makakagawa niyan… hahahahahahahaha iba ka, Ellie!!!”

Read more...