DJ Chacha: Ang dapat bawasan ng mahabang bakasyon ay mga mambabatas

DJ Chacha: Ang dapat bawasan ng mahabang bakasyon ay mga mambabatas

DJ Chacha, Chiz Escudero

TILA sumagot ang radio personality na si DJ Chacha sa mungkahi ni Senate President Chiz Escudero na bawasan ang holiday sa ating bansa.

Magugunitang naging usap-usapan sa social media ang sinabi ni Chiz na nagkasundo ang Senado na limitahan ang non-working holidays.

Ang paliwanag ng senador, ito ang dahilan kaya nagiging less competitive ang mga kumpanya at empleyado ng Pilipinas.

“Hindi ba may holiday ang siyudad, may holiday ang munisipyo, may holiday ang probinsya, may national holiday, may religious holiday –these make us less competitive,” sey niya sa harap ng media.

Esplika pa ni Chiz, “Tingnan niyo halimbawa ang Estados Unidos, meron silang President’s Day. Lahat ng magagaling nilang presidente, pinagsama-sama nila sa isang araw nalang na holiday. Tayo, hindi eh –may Araw ng Kagitingan, may National Heroes Day, bawat bayani ‘nung pinatay sila may holiday nanaman.”

Baka Bet Mo: DJ Chacha sa mga dyowa na mahilig mag-like, comment sa ‘sexy’ posts: Baka matawa pa ako pwera na lang kung nagd-dm dm na

Paglilinaw naman ng mister ni Heart Evangelista, “Pero hindi naman kailangang gawin ngayon. Simulan lang ‘yung proseso, hayaan lang mag-percolate siya, mapagpasiyahan because I tell you, it’s making our Filipino workers less competitive because our competitors from other countries aren’t requiring these companies to pay double dahil nagkataon lang na holiday at wala namang kinalaman doon sa bansang pinagtatrabahuhan nila, lalo na sa call center.”

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) nagkaroon ng opinyon si DJ Chacha at sinabing, “Ang dapat bawasan ay yung mahabang bakasyon ng mga mambabatas.”

Aniya pa, “Ang mga ordinaryong manggagawa bilang lang ang paid leave. Kayo po, gaano katagal ulit ang break sa isang taon?”

Sa comment section, marami ang sumang-ayon sa sinabi ng radio personality at narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Bawasan pati sahod nila at taasan sa ordinaryong manggagawa. WIN WIN na yan!”

“Madami nang long breaks, meron pang hindi halos nakaka 50% ng attendance sa session.”

“True para di tayo nagpapasweldo ng nasa fashion week lang naman”

“Dami ngang recess sa senate… yun kaya bawasan nyo [smiling face emoji]”

Read more...