Chloe San Jose epal daw sa presscon ni Carlos Yulo: Olympian ka rin girl

Chloe San Jose epal daw sa presscon ni Carlos Yulo: Olympian ka rin girl

Chloe San Jose at Carlos Yulo

“OLYMPIAN ka girl?” Yan ang pang-asar na tanong ng mga netizens kay Chloe San Jose, ang kontrobersyal na girlfriend ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Inirereklamo at kinukuwestiyon kasi ng mga supporters ni Carlos kung bakit kailangang humarap din sa mga camera  si Chloe at tabihan ang Pinoy athlete sa ginanap na presscon nito recently.

Ayon sa mga nabasa naming comments sa social media, dapat daw ang kasamang humarap ni Carlos sa kanyang presscon ay ang kanyang coach o trainer at hindi si Chloe.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo pwedeng matanggap si Chloe bilang GF ni Carlos, paano?

Inakusahan pa ang dalaga na feeling asawa raw ng Filipino Olympian. Mas naa-appreciate raw nila ngayon si Jinkee Pacquiao na never umepal sa kahit anong laban at pa-presscon ng kanyang asawang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.


Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga naimbiyernang netizens sa pag-eksena ni Chloe sa presscon ni Carlos Yulo.

“Olympian ka rin girl? Coach? PR manager? Interpreter? Bakit ka nandyan sa press con?“

“Halatang sabit sa fame yung babae e. Si jinkee never tumabi kay pacquiao o kahit sinong Ms. Universe never may kasamang bf hahaha. Baka sa hero’s welcome kasama din tong kakaway sa parade o sasakay ng float? Hahaha. Anino e.”

“No wonder the mother doesnt like her. Parang she is just there dahil there is a money involve.sorry to judge pero s personality ny ,i dont think he will stick to guy if wala n money.Mother knows best and the guy should not get blinded kawawa sy s huli.”

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

“Is she the manager? Does she really need to be in the interview too? Where’s the coach by the way? I think mas fit kung c coach ang anjan.”

“Never ginawa ni Jinky Pacquiao yan.”


“Si Madam Jinky very humble enough to give Manny pacquiao his own space and spotlight when it comes to official interviews.”

“Yung dapat sya na mag advice kay Caloy na huwqg na sagutin ang Nanay nya. aba sya tuwang tuwa pa nagkagulo ang pamilya.”

“Why she is always there? This is not about her, kaumay. Dapat maging sensible siya, no wonder Yolo’s mother doesn’t like her.”

“It should be the coach beside Caloy. Not the girl. You will be the reason of his fall, girl. Chloe, you are proving the claim of aling Angge right. RED FLAG ka nga. you should not be in the picture here.. not even a ‘wife.'”

Read more...