Lalaking laging tinatanong kung bakit single pa rin pumatay ng kapitbahay

Lalaking laging tinatanong kung bakit single pa rin pumatay ng kapitbahay

ISA ka ba sa mga taong mahilig makialam at magtanong sa mga kapamilya mo o kaibigan kung bakit single pa rin sa hanggang ngayon?

O, baka naman kayo ang palaging nauusisa sa inyong marital o civil status ng ibang tao dahil nga until now ay wala pa rin kayong matatawag na dyowa?

Naku, guys! Mag-ingat kayo sa pakikialam at pag-epal sa mga taong tatanungin n’yo about their personal life lalo na ang tungkol sa pagiging single or taken na.

Knows n’yo ba na isang lalaki mula sa Indonesia ang na-bad trip sa paulit-ulit daw na pagtatanong ng kanyang kapitbahay tungkol sa kanyang single status?

Baka Bet Mo: Pokwang aminadong hirap maging ‘single mom’, planong ipa-Tulfo si Lee O’Brian

At dahil sa sobrang galit niya ay napatay niya ang makulit niyang kapitbahay. Nangyari ito last July 29, 2024 sa South Tapanuli, North Sumatra sa Indonesia.

Base sa report ng Indonesian local media, nagtungo ang 45-anyos na si Parlindungan Siregar sa tahanan ng 60-anyos na retired civil servant na si Asgim Irianto, dakong alas-8 ng gabi.

Dala ang isang piraso ng tabla, walang awang pinagpapalo ng suspek ang biktima nang sila’y magkita.

Ayon sa Assistant Police Commissioner na si Maria Marpaung, ang pagpatay umano kay Asgim ni Parlindungan ay ini-report mismo ng asawa ng biktima.

Base sa salaysay ng misis ni Parlindungan, nakatakbo pa raw ang biktima matapos paluin ng tabla pero hinabol pa rin siya ng suspek at muling pinalo sa ulo.

Baka Bet Mo: Pokwang aminadong hirap maging ‘single mom’, planong ipa-Tulfo si Lee O’Brian

Ilang kapitbahay ang umawat kay Parlindungan kaya nadala rin sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival. Naaresto rin naman agad ng mga otoridad si Parlindungan.

Base pa sa ulat, inamin naman daw ng suspek na napatay niya ang biktima dahil nasasaktan daw siya sa tuwing tinatanong siya nito kung bakit hindi pa siya nag-aasawa.

Napag-alaman din ng pulisya na bago pa maganap ang insidente, nagkaroon na rin ng alitan ang dalawa nang dahil sa mga alaga nilang manok.

Read more...