Trigger Warning: Mentions of abuse, violence
PARANG mga eksena sa pelikula at teleserye ang sinapit ng Vivamax Queen na si Angeli Khang mula sa mga kamay ng kanyang amang Koreano.
Binalikan ng sexy actress ang malagim na pangyayari noong kanyang kabataan na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang isipan na parang kailan lang daw nangyari.
Pagbabahagi ni Angeli sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, ibang klase raw magpakita ng pagmamahal ang kanyang tatay sa kanya at sa kapatid na lalaki.
Baka Bet Mo: Robin tinatraydor daw ng senador na kapartido niya, Mariel umalma: Naku, matakot kayo sa Panginoon!
“I was born here in the Philippines. After nu’ng elementary ko, pumunta ako ng Saipan with my dad. I really respected my dad and I missed him so much from not seeing him for a long time,” simulang pagkukuwento ng dalaga.
“Pero siguro iba ‘yung sobrang military discipline ni Daddy. My dad was a US military officer. Hindi matatapatan ang motherly love.
“But a dad’s love, a father’s love, is uptight. A dad’s love is very different from a mother’s love. Pero since military discipline ‘yung dad ko, mas naging uptight pa siya,” rebelasyon pa ni Angeli.
Unang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso ang kanyang kuya mula sa kanilang tatay, “We were physically abused. Kahit ano’ng makita.
“One time, merong dos por dos kasi he owns a construction company there. Nu’ng nakita niya ‘yun sinaktan niya agad ‘yung kuya ko.
“Pinalo sa likod and hindi pula ang lumabas sa likod ng kuya ko, color purple na.
Baka Bet Mo: Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!
“The reason was only may pinapa-solve si daddy na math pero my brother ‘di niya agad nasagot. Nu’ng hindi na kinaya ng kuya ko, umuwi na siya ng Pilipinas,” pagbabahagi pa ni Angeli.
Nang nasa Pilipinas na ang kuya niya, siya na ang pinagbalingan ng ama, “Hindi ko inaamin na alam ko na umuwi si kuya dahil si kuya tumakas, tumakas siya kay daddy.
“And gusto akong paaminin ni daddy. Ang way niya ay bigla niya akong ingungudngod sa hugasan ng plato.
“One week niya akong hindi pinakain. Since my farm kami doon, ang kinakain ko every time na pinapakain ko ‘yung aso, pumipitas ako ng avocado, orange, o apple.
“Minsan nga kapag pinapakain ko ‘yung aso, nakikita ko ang sarap naman nu’ng pagkain nu’ng aso, kainin ko na lang kaya ito?” aniya pa.
Pagpapatuloy ng dalaga, “Umabot ako sa time na pumapasok ako sa school na may pasa, hanggang sa pinakadulo, hindi ko nailalabas ‘yung kulit ko sa school.
“Na-realize ko na lang na pumapasok ako sa school na may pasa, duguan ‘yung kamay ko. Ang lagi lang sinasabi sa akin ni daddy to comfort me is I want the best of you,” pag-alala pa ni Angeli.
Hanggang sa may magmalasakit sa kanya na isang kaklase at nagsumbong sa kanilang teacher na siya namang nagsabi sa kanilang school counselor. Dito na dinala si Angeli sa Pilipinas ng tatay niya.
“Kasama ko si daddy umuwi ng Pilipinas. Pagkauwi ng Pilipinas, tinawagan niya ‘yung mom ko na kunin niya ako at pag-aralin ako sa Pilipinas, kahit anong gusto niyang school, susuportahan pa rin ako at may monthly allowance.
“Pero nu’ng pagpasok ng mom ko, nakita niya kung gaano ako kalanta, walang buhay, and nu’ng nalaman ng mom ko, nag-file na agad ng case laban sa daddy ko,” pagbabahagi ni Angeli.
“Yung case na filed, it took a lot of years. Ang daming dilemma na nangyari — 2020 or 2021 bago na-file ‘yung warrant of arrest sa dad ko.
“I’m thankful sa career ko ngayon dahil mas naging easy ‘yung pag-file ng case sa dad ko. Kapag bumalik ang dad ko sa Pilipinas, may warrant of arrest na siya. Huli na agad,” sey pa ni Angeli.
Sa tanong kung mapapatawad pa ba niya ang ama sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang magkapatid, “I will forgive him if he asks for forgiveness. He’s 80 plus years old.
“There will be judgment, kung hindi man siya ma-judge dito sa mundo. There will always be judgment,” sabi pa ni Angeli Khang.