HUMINGI agad ng sorry ang isa sa miyembro ng BTS na si Suga matapos mabalitang iniimbestigahan siya ng mga awtoridad.
Ito ay dahil nahuli siyang nagmamaneho nang lasing gamit ang kanyang electric scooter.
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, kahit electric scooter lang ang gamit niya ay paglabag pa rin ito sa batas trapiko ng South Korea.
Ayon sa report ng Yongsan Police Station, nahulog si Suga habang pina-park ang kanyang scooter sa harap ng kanyang bahay at may pulis na nakakita sa kanya.
Dahil nangangamoy alak ang BTS member, siya ay isinailalim agad sa isang test at doon nakumpirma na under siya ng influence ng alcohol.
Baka Bet Mo: BTS Suga bagong ‘global ambassador’ ng NBA
Agad namang nag-sorry si Suga sa pamamagitan ng official statement na ibinandera sa Weverse.
“I come to you with a heavy and sorry heart due to a disappointing event,” saad ng K-Pop idol sa fan community platform.
Kwento niya, “Last night after drinking at dinner, I went home by riding an electric scooter. I violated the road traffic laws due to me thinking that it’s a close distance and not recognizing that it is not allowed to ride an electric scooter after drinking.”
At bilang lumabag daw siya sa traffic laws ay kinuha ang kanyang lisensya at nagbayad pa ng multa.
Dagdag niya, “There wasn’t anyone who got hurt or facilities that have been damaged but, this is an inexcusable responsibility of mine so I bow my head and apologize to everyone.”
“I apologize to those who have gotten hurt because of my carelessness and wrong action and from now on and forward, I will be more and more careful with my actions so nothing like this will happen,” aniya pa.
Nag-apologize din ang BigHit Music, ang talent agency ni Suga, sa inilabas na separate statement.
Ayon sa kumpanya, dadaan sa “disciplinary action” ang BTS member at ipinangako na mas magiging maingat na ito sa susunod.
“The incident did not result in any personal injury or property damage, and he returned home under police escort,” wika ng BigHit Music.
Patuloy pa, “We apologize for the disappointment this artist’s inappropriate behavior caused many of you. As a social service worker, he will receive appropriate disciplinary action from his employer for his behavior.”
Samantala, sa Setyembre na sasabak sa mandatory military service si Suga at nakatakda siyang ma-discharge sa June 2025.